Chapter 47

789 30 7
                                    

~~ Five Years Later ~~

Chen's POV

Ilang taon na rin ang nakalipas at masaya ang buhay namin mag-asawa. Minsan may tampuhan at away din kami pero hindi aabot ng dalawang araw ang mga tampuhan at away namin. Hindi ko kasi kaya na may dinadala akong hinanakit sa trabaho kaya kahit hindi ako ang may kasalanan, ako pa rin ang nagpapakumbaba sa aming dalawa.

Malawak naman yung pag-unawa ko kay Theo. Hindi rin ako madali magalit kaya most of the time ako na ang nagso-sorry.

Naging successful din kami sa projects namin for the past few years at fully pledged na rin si Theo bilang Chairman ng kumpanya but for the meantime, I'm acting the Chairman for now kasi inaalagaan ng asawa ko ang mga anak namin.

Three years ago ay nakapag-desisyon kami na magka-baby pagkatapos naging successful yung project namin. Hindi na rin namin pinatagal at biniyayaan kami ng isang lalake at babae na anak. Masaya si Theo dahil babae yung anak niya at ayon, naging fashion baby ang anak namin. Naipasa naman ni Theo ang kagandahan niya sa anak niya at parang manika nga tingnan.

Habang nasa bahay ang asawa at mga anak ko, nandito naman ako sa kumpanya araw-araw naghahanap buhay para sa kanila. Naging kakumpetensya ko ang kumpanya ni Cerdic trying to earn the second spot pero hindi ko talaga kaya na pababain yung rank ng kumpanya niya. Masyadong matalino si Cerdic but not as intelligent as Mom.

Boom pa rin ang kumpanya ni Mom at nangunguna pa rin lalo na't tinutulungan na rin siya ni Dad. Yung mga businessman King and Queen ay nagsama na kaya wala ng makakatalo sa kanila.

Wala pa rin nagbago sa kumpanya namin ni Theo but some of the employees were new. Yung bagong hotel ay sikat na rin in the span of three years mas lalo na yung training center na pinatayo ni Theo. Halos fresh graduates ay doon na nagtrain at agad naman sila na-dispatch from their employer. It's one of our assets kung bakit nasa third rank ang Cerbaeo. Yung nag-doubt kay Theo noon ay tuluyan na napalitan ng tiwala.

Tita Queenie, same as before pa rin, yung happy-go-lucky kahit may anak na sila. Si Tito Joss at Miss Yihwa ay four years ng kasal at may isang anak na rin. Tito Tee at Tae, happily married with two kids... yun nga lang, under na si Tito Tae kay Tee.

Naging mabuti naman ang buhay ng bawat isa. Hinihiling ko na lang na sana makahanap na rin si Cerdic ng lovelife para naman mawala siya sa focus. Hahahahahaha!

"Sir Chen, ready na po yung sasakyan." Pinaalam sakin ni Gun habang nag-mesmerize ako dito sa office ko while watching the city view.

Umalis ako at nag-iwan ako ng instructions sa kanya iwan na lang yung mga reports at documents na kailangan kong lagdaan. Nagmamadali kasi ako umalis dahil may susunduin pa ako.

Habang nasa kotse ako ay tumawag yung asawa ko.

"Hon, uuwi ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa. may dadaanan pa ako."

"Okay. Makisuyo na lang ako, please buy me strawberry shortcake."

Nagchuckle ako nung narinig ko yung gusto niyang ipabili. I'm sure nag-crave ang asawa ko na parang buntis. Napansin ko na ganito siya lately at halos araw-araw may ipapabili siya.

"Sure Hon. I'll see you later. I love you." Sabi ko.

"I love you too."

Excited man ako umuwi ngayon dahil na-miss ko ang pamilya ko pero hindi pa agad-agad. Inutusan ko ang driver ko na dumaan kami ng cake shop. Bumili ako ng strawberry shortcake, buong cake para hindi na siya magpapabili sa mga susunod na araw. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa agenda ko.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now