Chapter 51

766 32 4
                                    

Bakit ba hindi ako tinantanan ng problema? Simula pa lang nung college ako ay marami na akong problema pati ba naman ngayon ay hindi pa ako nilubayan ng problema. Hindi pa ba sapat na naging matatag ako sa buhay? Kulang nalang ay maging Tomb Raider nalang ako para maraming mysetery na kailangan i-solve at mala Angelina Jolie din ang peg ko sa aksyon... pero hindi naman ako marunong kahit self defense lang.

Tinitingnan ko bawat scenario, maraming hindi nagkakatugma.

Una yung pagkamatay ni Mr. Amudee na parang pinalabas na heart attack lang. Pangalawa, yung pagsira ng mga establishments na ginawa ko at sabay-sabay pa. Pangatlo, may gustong dumukot sakin. At pang-apat, nawawala sina Sab at Kyo.

Hindi ko talaga ma connect the dots ang mga problema ko. Ni-hindi ko nga masabi kung iisang tao lang ba ang may gawa nito.

"Sir Wayo, isang hired gunman yung gustong dumukot sayo. Walang pamilya at yun lang pinagkakitaan niya." Sabi ni P'Nine.

Kaya madali lang sa kanya ang magpakamatay dahil wala naman umaasa sa kanya. Silyado pa sa ngayon kung sino ang utak ng lahat ng ito.

Nakaka-frustrate lang dahil wala pa akong plano laban sa kalaban ko na hindi ko kilala. Mahirap mag-isip kasi baka hindi isang tao lang o baka dalawa o marami sila.

Pumasok sa office ko Saint at may dala siyang papel. Binigay niya sakin ito at binasa ko.

"So, magkakaroon ulit ng emergency meeting ang kumpanyang ito." Sabi ko.

"Opo Sir Wayo. Bukas po gaganapin ang meeting." Sabi ni Saint.

Tumango ako at alam ko ang kahihinatnan nito. Maybe the board members are planning to dismiss me from my position. Nabalitaan ko kasi na isa-isang nag-withdraw ng contract yung nag-invest sa mga ginawa kong negosyo.

I can't blame me because it looks like the events were pointing at to me for destruction.

"At isa pa po, Sir Wayo."

Binigay sakin ni Saint yung iPad niya. Tiningnan ko yung video na nakaplay ay nakita ko si Sab. Nasa city lang siya at dumaan ng convenient store.

"Alam mo kung saan ito?" Tanong ko.

"Opo. Pinuntahan na nila Sir Godt at Bank yung lugar." Sagot niya.

"Kailangan kong..."

Pinigilan ako ni Saint.

"Hayaan mo na sina Sir Godt at ang security team niya ang maghandle sa problemang yun Sir Wayo. Unahin muna natin yung sa kumpanya." Sabi ni Saint.

"No! Gusto kong tulungan ang anak ko."

Napailing si Saint at kinuha niya yung iPad sa kamay ko.

"Kaya nga binigyan ka ng family problem para mawala ka sa focus dito sa kumpanya." Sabi ni Saint.

Na-realize ko na tama si Saint. It's like diversion... gusto ng kalaban ko na mawala ako sa focus sa kumpanya para totally masira niya ito.

"Hayaan mo na sina Sir Godt ang kumilos. First of all, kailangan natin mag-isip ng solusyon sa mga damages." Sabi ni Saint.

"Kamusta na yung health facility?" Tanong ko.

"Inayos na nila Miss Yihwa at Sir Tae yun."

Mabuti nalang ay hindi nila pinabayaan yung unang project ko. Mahalaga kasi yun para sakin at nakakatulong pa sa mga tao. Sad to know that one of it got burned.

"Any suspicious findings sa pagkasunog ng facility?" Tanong ko.

"Yes. Sinadya nga itong sunugin. To cover up the source of fire, gumawa pa ang suspect ng faulty wires para yun ang maging cause of fire and damages will be on you." Sagot ni Saint.

My Sweet LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat