Chapter 19

987 47 13
                                    

"What's the meaning of this?" Tanong ni Mom nung nakita kami ni Bank na nagtukaan.

Agad ko kinuha yung damit ko at sinuot habang si Bank naman ay nataranta. Hindi din siya nakasagot sa tanong ni Mom.

"Mom, let me explain." Sabi ko.

"Wayo, labas muna ako." Paalam ni Tita Saint.

Umalis si Tita Saint at naiwan kami ni Bank kay Mom. Galit na galit ang mukha ni Mom ngayon na parang kakainin niya kami ng buhay. Sobrang bilis ng pitik ng puso ko dahil sa kaba ngayon.

"Mag-usap tayo sa sala." Sabi ni Mom.

Nauna si Mom lumabas at kami ni Bank hindi mapakali kung anong gagawin o sasabihin kay Mom.

"Bank, ano gagawin natin?" Tanong ko.

"Sabihin natin yung totoo." Sagot niya.

"Sigurado ka? Nakita mo naman kung gaano kagalit si Mom."

"Wala tayong choice baby kundi ang aminin. I'm sure maintindihan tayo ni Mom."

Hindi ako mapakali kahit sinabi pa ni Bank na maintindihan ni Mom yung relasyon namin. Natakot ako reaksyon ni Mom nung nakita niya kami na naghaharutan. Hinawakan ni Bank yung kamay ko at ngumiti siya sakin.

"Tara na?"

Tumango ako at lumabas na kami ng kwarto papunta ng living room kung saan naghihintay si Mom. Para kaming kriminal na sisintensyahan ng kamatayan. Nakatayo si Mom at iba ang titig niya sa amin nung lumapit na kami.

Nung paupo na kami ni Bank ay biglang may dinabog si Mom na isang envelope sa may center table.

"Ngayon, ipaliwanag niyo sakin kung anong ibig sabihin niyan!" Medyo malakas ang boses ni Mom at nakakatakot din sabay hagis nung envelope sa may center table.

Kinuha ni Bank yung envelope at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang mga pictures kung saan kami nag date kanina, pati na rin yung halikan namin ni Bank.

"Mom, it's not what..."

"May relasyon kami ni Theo." Biglang sumingit si Bank sa paliwanag ko sana kay Mom.

Napatingin tuloy ako kay Bank dahil agad niyang inamin yung relasyon namin. Seryoso si Bank at confident pa siya. Napatingin ako kay Mom at parang tigre na siya kung makatingin sa amin.

"Hindi man lang kayo nahiya sa ginawa niyo? Inakala niyo ba na walang makakilala sa inyo?"

Nanliit ako sa sigaw ni Mom at napayuko tuloy ako. Wrong move kasi si Bank at hindi man lang niya pinaliwanag ng maayos kay Mom.

"Ano naman kung may makakita? Yun yung totoo Mom. I love Theo at ayoko magsinungaling sa nararamdaman ko." Sagot ni Bank.

"Do you think na hindi ko alam ang relasyon niyo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mom. Kailan pa niya alam na may relasyon kami ni Bank? Ni hindi man lang niya kami sinita. Araw-araw naman kami nagkikita sa bahay kahit saglit lang.

"I have eyes and ears everywhere at pati kayo hindi makakalusot dun dahil mas nag-aalala ako para sa inyo na mga anak ko." Dagdag pa ni Mom.

Hindi ko rin naman masisi si Mom dahil magulang namin siya at mahal na mahal kami. Pero iba din kasi magalit si Mom pag talagang mali. Tumayo na si Bank at hinarap na din niya si Mom na parang wala siyang takot na mapagalitan o ma-itakwil.

"Hindi naman ako tunay na Panitchayasawad dahil wala akong dugo na nanalaytay sa angkan mo Mom." Sabi ni Bank at hindi ko alam kung galit ba siya o he's trying to reason out.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now