Chapter 6

1.6K 56 87
                                    

Ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin kami nag-outing sa beach. Excited pa naman ako sa outing kaso sobrang busy nina Mom, Dad at Kuya Cerdic. Habang busy sila at wala sa bahay palagi ay sinulit namin ni Bank ang magtukaan sa kwarto niya.

Mas safe kasi sa kwarto ni Bank dahil hindi pumapasok yung mga kasambahay hangga't ipag-utos niya na linisin ang kwarto.

Dahil ng ligawan stage kami, walang sex nangyari sa amin. Foreplay lang lage at nakakabitin talaga lalo na pag ramdam ko na yung matigas na d**k ni Bank. Nakakalibog talaga!

Thursday... naging busy ako dahil kinuha ulit ako ni Tita Yihwa as a stylist, again. Photoshoot naman ang pinag-aabalahan namin para sa clothing magazine. Na-hype din ako kasi ang ganda din ng mga damit na dinisenyo ni Tita Yihwa... originally sealed Yihwa talaga ang mga damit.

Hindi ko inasahan na kasama din si Pleum sa mga models kaya nag-cross naman ang landas namin. This time, kakaiba na ang aura niya.

"Sir Theo, gusto niyo po ba ng coffee?" Tanong ng isang staff.

Ayan naman sila sa VIP Treatment nila sakin.

"No, it's okay. Kaya ko naman kumuha kung gusto ko." Sagot ko.

Nag-iba na ang pakikitungo ng mga staff sakin dahil nga anak ako ng nag-iisang Wayo Panitchayasawad-Itthipat. Pero, gusto ko rin ang apelyido ko kasi maimpluwensya.

Same thing pa rin ang ginagawa ko nung dati, all around talaga ako.

Habang nasa ladies room ako at inaayos yung mga summer collection dress, biglang pumasok si Tita Yihwa at kinausap ako.

"Theo, kumuha ako ng temporary assistant mo. Sana makatulong siya."

Napatingin ako sa kasama niyang lalake na halos ka-height ko lang din, lean ang katawan, maputi, at may potential din na magkajowa ng lalake.

"Hello po Sir Theo, ako pala si Gun."

"Hi, I'm Theo. Pwede mo na ba ko tulungan?" Tanong ko kasi nakatingala pa rin siya sakin.

Agad naman siya sumunod sa utos ko at infairness, may skills din siya. Nasunod naman niya yung mga gusto ko sa mga babaeng inaayusan niya at napadali ang buhay ko. Lumipat naman kami sa guys' room at sila naman ang inayosan namin.

Inutusan ko na si Gun na siya na ang bahala kay Pleum kasi ayoko muna makahalobilo siya, though I know I'm not being professional.

Inayusan ko na yung ibang male models hanggang sa sumigaw si Pleum kay Gun.

"Sabing kay Theo ako magpapaayos!"

Nakatingin lahat ng male models sa kanya dahil sa pagsigaw niya.

"Wala na po tayong oras kailangan ko na po kayo ayusan." Sabi ni Gun.

At least kalmado pa rin si Gun kahit nasigawan na siya. Hindi rin siya sumuko sa pagkumbinsi kay Pleum pero matigas ang ulo niya kaya lumapit na ako at sinampal ko siya.

"Assistant ko ang sinigawan mo kaya wala kang karapatan na gawin yun. Ako lang ang may karapatan na sigawan siya!"

Ayon, hindi ko napigilan yung inis ko kaya nakatikim ng isang palad pero tiniis ko yung sakit sa kamay ko.

Napangisi lang si Pleum at parang gusto pa niya na sinampal ko.

"Isa pa nga Theo para maramdaman ko yung pagmamahal mo." Sabi pa niya.

Ay gago pala 'to!

Kaya, his wish is my command. Sinampal ko ulit siya.

"Ayan, hindi na kailangan ng konting blush. Natural na ang ginawa ko." Sabi ko pa.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now