Chapter 42

725 41 10
                                    

~~ Two Days Ago ~~

Theo's POV

"Perth, commenced the plan." Utos ko sa kanya.

Yes, alam ko ang plano ng asawa ko since may sakit ako. I pretended to be blind but I still need to do something about it.

The attack that my husband encountered in Seoul made me pushed to do something in the dark. Loyal pa rin si Perth sakin at sinasabi niya ang plano ng asawa ko. I felt so love kasi iniisip talaga ni Chen yung kaligtasan ko and else, ayoko rin na i-risk ang buhay niya para sakin.

Kahit tinago sakin ng asawa ko ang plano niya, I still want to be part of it.

"Okay Young Master." Sabi ni Perth.

Inutusan na niya yung mga bodyguards to give backup para sa asawa ko pero pinigilan ko sila. Bigla ko naisip na baka nandito din yung mastermindz

"Huwag muna kayo sumunod kay Chen."

Nagulat sila sa inutos ko. Alam ko iniisip nila na malabo ako pero gusto ko rin mahuli yung mastermind.

"Theo, are you sure about this? Baka mapano ang asawa mo?" Tanong ni Dad sakin.

"Don't worry Dad. Alam niya mag taekwondo kaya yun ang defense niya. As of now, secure the whole hotel at mag dispatch kayo ng mga tauhan natin each floor except the 8th floor. Dapat walang makakatakas sa inyo, okay?!"

"Yes young master!" Sabay pa sila sumagot.

Tinawagan na ni Perth yung bagong utos ko. Kung nandito talaga ang mastermind, I'll trap him in this hotel ng hindi siya makakawala.

Naginform na yung mga nadispatch na nasa posisyon na sila. Inutusan na din ni Dad yung mga bodyguards din niya to surround all the exit of the place. Lumabas na siya to secure the area outside with his men.

Hinintay ko pa mag-five minutes since umalis si Chen and the five minutes is over...

"Let's go Perth, sa 4th floor." Sabi ko.

Nagtaka siya kung bakit sa 4th floor at hindi sa 8th floor kung nasan ang asawa ko.

"Bakit sa 4th floor?" Tanong ni Perth sakin.

"Basta, magtiwala ka lang." sagot ko.

Sumunod naman sila sakin at sumakay kami ng elevator. Akala ng mastermind na hindi ko na-gets yung kilos ng inutusan niyang lalake. Hindi masyadong buff yung lalake na nakita ko CCTV Footage. Mabuti nalang nagawan ni Saint ng paraan na kausapin yung IT sa hotel kung saan ginanap ang conference. Pinakuha ko sa kanya lahat ng CCTV Footage ng buong hotel just to connect the dots. May nasira kasi na mga CCTV.

From the floor kung saan nakita namin na lumabas ang lalake na umatake sa asawa ko at hinabol, three floors pababa ang walang CCTV footage at doon ko lang na gets na nag-quick change yung lalake na medyo uneasy at hinihingal ng kaunti.

Kung same pa rin ang pakikipaglaban ni Chen sa lalakeng iyon, it would take him three floors down to change quickly, from 8th pababa... 7th, 6th, 5th at lalabas siya ng 4th floor gaya nung ginawa niya noon. Malakas din ang asawa ko kaya ma-push ng limit yung lalakeng yun. Malamang ngayon ay hindi na siya nag-iisa. Baka nandito na rin ang mastermind and I'm hoping to see him on the 4th floor.

Nung bumukas yung pinto ng elevator sa 4th floor, nauna akong lumabas at agad ako pinigilan ni Perth.

"Don't worry, hindi ako pwedeng patayin ng lalake na iyon. Ako ang gusto nilang makuha na buhay." Sabi ko with confidence.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now