Chapter 35

889 44 10
                                    

Sinalubong kami ni Uncle Perth at ang security team niya nung nakarating kami ng Bangkok. Siya lang naman ang sinabihan ko na darating kami at pinagbawal ko sa kanya na ipaalam kay Mom at Dad.

"Young Master, Sir Chen. Nakaready na po yung condo niyo." Sabi ni Uncle Perth.

"Wala bang nagbago sa unit ko?" Tanong ko.

"Wala po."

"I'm sorry Perth kung nag-abala ka pero may binigay ang kumpanya ko na accommodation for me." Sabi ni Chen kay Uncle Perth.

"Ahh ganun po ba. Sige, ihatid ko na lang kayo."

Inutusan ni Uncle Perth na kunin yung bagahe namin pero pinigilan siya ni Chen.

"Perth, wag na. Dalawang maleta lang naman 'to at kaya na namin ni Theo."

"Pero Sir Chen, boss ko po si Theo."

"It's okay Uncle Perth. Kaya naman namin at hindi naman ikakapagod namin yung pagdala ng maleta." Sabi ko.

Walang nagawa si Uncle Perth at sumunod nalang sa gusto namin. Ayoko rin na pati yung bagay namin ay ipakuha ko pa sa security team ko. Sanay na ako to take things on our own dahil kay Chen.

Sinamahan lang kami ni Uncle Perth papunta sa kotse na sasakyan namin. Kami pa ni Chen ang naglagay ng bagahe namin sa likod at napansin ko na parang nag-aalala yung bodyguards pati na si Uncle Perth dahil hindi na kami nagpatulong.

"Uncle Perth, nasa office ba sina Mom at Dad?" Tanong ko habang nasa biyahe kami.

"Yes young master. Hindi nila alam na nandito na kayo."

"Wag mo muna sabihin sa kanila ha. Bukas nalang kami bibisita ng asawa ko."

Tumango lang si Uncle Perth. Plano namin na surpresahin sila. Ito na kasi ang matagal na inaasam ni Mom na umuwi ako ng Bangkok.

"Are you okay, Hon?" Tanong ni Chen sakin habang hinahawakan niya ang kamay ko.

"Yes, Hon."

Alam ko na nag-alala siya sa kondisyon ko. Hindi na ko dinugo at salamat sa gamot dahil naagapan.

"Young Master, gusto ka po makita ni Master New." Pinaalam sakin ni Uncle Perth.

Kahit kailan ay loyal pa rin siya kay Pappy New. Hindi ko naman masisi si Uncle Perth dahil si Pappy naman ang nag-alaga sa kanila ni Tita Saint. Maasahan ko din si Pappy New na hindi muna niya sasabihin kay Mom at Dad.

"Sige pero dumaan muna tayo sa hotel para iwan yung mga bagahe namin." Sabi ko.

Hindi naman traffic kasi early morning pa. Sinadya namin ni Chen na 4:30am ay nandito na kami. Dumaan kami sa hotel at pinacheck-in kahit 2pm pa pwede. Iba pa rin kapag may makita silang Panitchayasawad ay automatic VIP treatment agad. Kung pwede lang i-alis ko na 'to pero hindi pa ko nagpaalam kay Mom. I know mag hysterical yun at baka pag-initan pa si Chen.

Pagkatapos namin nag-check-in ay dumeretso na kami sa mansion ni Pappy New.

Wala pa rin pinagbago. Ganun pa din ang bahay niya nung dumating kami.

"Theo, apo!!"

Masayang tawag ni Pappy New nung bumaba na kami ni Chen. Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan pa sa noo.

"Kamusta ka na? Hindi ka ba ginutom ng asawa mo?" Tanong niya sakin.

"Pappy!!"

Tumawa siya nung tinaasan ko siya ng boses.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now