Chapter 27

815 44 5
                                    

Wayo's POV

Na-alarma lahat ng bodyguards ni Chen dahil sa pagtakas ni Pavel. Hinanap namin siya dito sa bahay dahil sa laki ng bahay at area nito, mukhang nasa paligid pa lang si Pavel. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa amin dahil siya lang ang susi na mapagaan ang hatol ng anak ko.

Nung palabas na ako ng bahay, biglang pumasok sina Perth at Saint kasama ang mga security team namin.

"Perth, nahanap niyo ba si Pavel?" Tanong ko.

Ngumisi siya at tinulak niya si Pavel pabalik loob ng bahay.

"Malas niya dahil nagbabantay din kami sa area." Sagot ni Perth.

"Pavel, bakit ka ba tumakas? Alam mo naman na papatayin ka ni Lucy pag nakita ka niya." Sabi ko.

Hindi siya tumayo at nakaluhod lang siya sa harap ko. Takot na takot siya at mukhang hindi na rin niya alam ang gagawin niya.

"Galit na galit ako sayo pero hindi pwede kainin ako ng galit ko. Kailangan kita para sa kaso ni Cerdic. And besides, kailangan mo din harapin ang ginawa mo sa anak ko na si Theo."

Yes, nagtitimpi lang ako dahil ayoko masira ang plano ko para kay Cerdic. Kailangan ko malinis ang pangalan ni Cerdic sa kasong pagpatay kay Pavel.

Ibang bangkay ang natagpuan ng mga pulis sa area ng hideout kung saan siya tinago ni Cerdic. Naikuwento na rin ni Chen ang lahat na nangyari kasi nalaman ni Chen yung plano ni Lucy.

Pinalabas ni Chen na patay si Pavel dahil ito ang utos ni Lucy para idiin ang anak ko. Medyo nag guard down ako sa security at matagal na pala kami pinagmanman sa mga tauhan ni Lucy.

Hindi lang kami agad na-inform ni Chen dahil kailangan niya umakto na nasa bahay at office lang siya para hindi siya mabisto ni Lucy.

"I'm sorry, Sir Wayo." Sabi ni Pavel.

"Gusto ko harapin mo lahat ng gulong ito tulad ng pagharap ng kasalanan ng anak ko. Nakakulong na siya ngayon Pavel at tanggap niya ang kaparusahan niya sa pagdukot sayo pero hindi namin matatanggap na siya ang madidiin sa isang bagay na hindi man lang niya nagawa." Sabi ko.

Yumuko at umiyak si Pavel sa harap ko. Napahawak naman si Theo sakin.

"Gagawin ko ang lahat na hindi ka maparusahan ng habang buhay na pagkakulong basta linawin mo lang ang pangalan ng anak ko sa murder case."

Tumatango-tango siya sa amin.

"Pavel, tapusin na natin yung maling pagbintang sa anak ko dahil may haharapin pa kami, ang panilyang Pokphand."

"Oo, Wayo. Handa na ko magpakita at magsalita." Sabi ni Pavel.

Kahit papano ay parang nabunutan ako ng tinik dito sa puso ko. Pag-lumantad at sinabi na ni Pavel ang totoo, ang pamilyang Pokphand naman ang susunod.

They're messing with the wrong family.

Inutusan ko ang security namin to tighten their duties. Limang security ang nagbabantay kay Pavel pero hindi ko siya pinakulong sa kwarto. He's still free to walk around the house.

"Saint, ihanda mo ang paglantad ni Pavel bukas. Gusto ko lahat ng media ay nandun sa pag-amin ni Pavel pero..."

"Pero ano young master?"

"Dapat walang maiiwan na bakas na tayo ang nag-setup nito dahil pwede tayo baliktarin ng mga Pokphand na tinakot natin si Pavel." Sagot ko.

"Okay po, young master."

My Sweet LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum