Chapter 12

1.1K 43 3
                                    

"Mom, nakita mo ba si Theo?"

Narinig ko ang boses ni Dad ngayon at hindi na naituloy ni Mom ang paghila ng kumot na naging pantakip ko. Nag-alala ako na baka nakita ni Mom yung posas pero hindi naman niya nabanggit.

"Sabi ni Bank umalis kasama si Scott."

"What?!!!" Napasigaw si Dad.

Narinig ko ang mga yapak nila na lumayo at sumara yung pinto. Hinila na ni Bank yung kumot at kinalagan na niya ko.

"Bumalik ka na ng kwarto mo." Sabi ni Bank at evident sa kanya yung pagkapanic niya.

Umalis ako ng kama at inayos ko muna yung buhok ko.

"Lagot ka sakin Bank!" Sabi ko bago ako umalis ng kwarto niya.

Sinigurado ko na wala sina Mom at Dad at nagmadali ako pumasok sa kwarto ko. Dumeretso ako ng bathroom at naligo agad. Kailangan perfrct alibi 'tong ginawa ko na kunwari naligo ako nung hinanap ako ni Mom.

Pagkatapos kong naligo ay nagmadali akong nagbihis.

"Nandito ka lang pala." Sabi ni Mom na pumasok na ng kwarto ko.

"Bakit Mom? Hinahanap niyo ba ko?" Nagkunwari ako.

"Oo... sabi ni Bank na umalis ka kasama si Scott."

"Ha?" Umakto ako na parang clueless sa sinabi ni Mom. "Kaninang lunch lang kami magkasama ni Scott at hinatid pa niya ko. Baka nung hinanap mo ko ay naligo ako." Palusot ko.

Napasalo naman ng ulo si Mom.

"Hindi ko rin nacheck yung bathroom kasi talagang hinahanap kita."

"Ahh... di rin kasi alam ni Bank kasi nasa kwarto siya pero alam niya na nandito galing si Scott."

"Okay."

"Mom! Hindi naman kasama ni Scott si..." Napahinto si Dad nung pumasok siya sa kwarto ko. "Nandito ka lang pala. Akala ko kinidnap ka na ni Scott."

Niyakap ako ni Dad ng mahigpit at talagang ramdam ko yung pag-alala niya. Ayaw talaga niya ko mawala sa puder niya and I kind of like it too.

"Mabuti nalang honest si Scott kung hindi masasaktan talaga siya sakin." Dagdag pa ni Dad.

"Nga pala, umuwi kami ng Dad mo kasi heto yung budget para sa mga damit na kailangan para sa photoshoot. Ikaw na bahala niyan ha at alam ko maaasahan kita sa ganitong bagay." Sabi ni Mom.

Tumango ako at binigay na ni Mom yung platinum credit card niya. Siguro ito yung company credit card kasi may nakalagay ng pangalan ng kumpanya.

"At ako ang kasama mo baby sa pamimili kasi wala akong gagawin bukas." Sabi ni Dad.

Napangisi nalang ako kasi hindi ko inasahan na sasamahan ako ni Dad. Balak ko pa naman na si Bank ang kasama ko.

"Okay Dad."


~~.~~


Kinabukasan ay maaga kami umalis ni Dad dahil gusto niya muna mag breakfast date kaming dalawa bago mag shopping. Pumayag naman ako kasi ngayon lang ulit kami nakapag breakfast date na kaming dalawa lang. Maaga umalis ng bahay si Mom dahil sa work kaya hindi na siya nakasama.

Hindi rin nakasama si Bank dahil may orientation pala siya sa Med-school.

"Order ka ng marami baby." Sabi ni Dad.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now