Chapter 33

838 39 18
                                    

Chen's POV

Isang linggo ko tiniis ang mga simpleng papahirap ko kay Theo. Masakit man sa loob ko na ginawa ko siyang katulong pero hindi siya nagrereklamo. Sa umaga, ang sarap ng gising ko kasi siya ang gumigising sakin. Pagdating ko sa mesa may nakahanda ng pagkain. Malinis na din ang lugar, at higit sa lahat, nakaready na yung susuotin ko. Natatawa nalang ako dahil yung mga bagong damit ang pinapasuot niya ko at saka, binibilhan din niya ko ng mga bago.

Nakokonsensya na tuloy ako sa ginawa ko. Sumusunod naman din ako sa utos ni Sir Wayo na pahirapan ko si Theo para bumalik siya ng Bangkok.

Maaga ako natapos sa trabaho, mga 3pm ay naka-out nako. Naglakad ako pauwi pero laking gulat ko nung nasilayan ko siya sa kabilang sidewalk. Nakita niya ko at kumaway siya sakin. Araw-araw siya pumupunta sa restaurant para kumain at sabi pa niya ay gusto niyang makatulong sakin. Alam ba niya na fixed lang ang sweldo ko at hindi na tataas yun dahil waiter lang ako.

"Kakain ka naman sa restaurant?" Tanong ko nung nakatawid na ako sa pedestrian at nakalapit sa kanya.

"Oo, pero hindi na ngayon dahil out ka na. Bakit maaga ka ngayon?"

"Pina-out na ko ng maaga ng manager namin." Sagot ko.

"Ahhhh."

Hinila nalang niya ko para maglakad.

"Saan tayo pupunta?"

"Gusto ko manood ng movie."

"Teka..." kumalas ako sa paghila niya sakin. "Ayoko mag-movie. Mas gusto ko magpahinga."

Napa-rolleyes naman siya sakin at heto, aandar na naman yung pagka-superiority complex niya.

"Paalala lang, ako ang boss mo." Sabi ko.

"Fine! Eh di uuwi. KJ naman nito." Sabi niya sabay walkout sakin.

Natawa nalang ako sa asal bata niya which I love it so much. Kapag ganyan siya ay mas lalo kong ninais na maging kami. How I wish na ganun din ang nararamdaman ni Theo para sakin. Ayoko umasa pero asang-asa naman talaga ako na mangyari yun.

Nung nakabalik kami sa condo unit ko ay agad siyang umupo sa may sofa. Nagmamaktol na naman ang batang damulag ko. Hindi ako nagpaapekto kaya dumeretso ako sa kama ko. Humiga ako para makapagpahinga. Marami kasing costumer kaninang lunch at napagod ako sa pagse-serve.

"Chen, gusto mo..."

Nagkunwari ako na nakatulog para hindi na niya ko kulitin na lumabas ulit. Ididilat ko na sana yung mga mata ko pero hindi ko pa narinig na sinara niya yung pinto.

Bakit hindi pa niya sinara? Nasa loob kaya siya ng kwarto ko.

Naramdaman ko nalang na hinaplos niya ang ulo ko like he really cares for me.

"Marami na talagang nagbago sayo. I used to think of you like a friend na maasahan ko. After nung nangyari sayo, I felt that I lost some part of me. I don't know why but I feel it so strange that you almost die. I never left your side kahit nasa ICU ka and the moment you decided to migrate, mas lalo akong nalungkot."

Wait.

Is he talking to me while I'm pretending to be asleep? Sa mga naririnig ko, umaapaw ang sinsiridad niya dahil damang dama ko yung bawat salita na sinabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit but I feel happiness when I'm with you. Siguro, I pity you dahil sa nangyari but I realized I wasn't. Tinapos ko lahat ng mga commitments ko sa Bangkok bago ako umalis para sumunod sayo. Gusto ko din lumayo sa Bangkok katulad mo. It was torture that I kept on thinking about Bank and my heart keeps on aching. Mas mabuti na ikaw yung kasama ko, hindi ako nasasaktan at higit sa lahat, I can feel your love towards me."

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now