Chapter 18

1.1K 51 5
                                    

Pavel's POV

Humarap ako sa vending machine nung dumaan si Theo. Hindi naman niya ko napansin at napatingin ako sa may labas. Sakto din na umalis yung sasakyan. Nakaramdam ako ng inis at kaba dahil hindi ko alam kung sino yung lalake na kasama ni Theo. Hindi naman siguro sila magkapatid kasi hindi sila magkamukha.

Kinuha ko na yung kape ko at bumalik ako sa conference room. Pagdating ko ay nandito na rin yung photographer at si Sir Pakorn.

"Nandito na pala si Pavel." Sabi ni Sir Pakorn nung pumasok ako.

Hindi man lang ako tiningnan ni Theo nung umupo na ako sa kabilang side.

"Theo, naprepare ko na yung apparel na maari mong pagpilian para kay Pavel. May kasama na kayo na magsukat kay Pavel kaya wag ka ng mag-alala sa gawaing yun." Sabi ni Sir Pakorn.

"Okay. And else, yung request mo sakin, pumapayag na ko. Ano ba naisip mong concept?" Tanong ni Theo.

"Yung bagong perfume namin ang i-endorse mo kasama si Pavel. Gusto ko yung Passion of Love na concept gaya ng pangalan ng perfume." Sagot ni Sir Pakorn.

"May idea ako niyan. Why don't we make it sensual like they're going to be topless with some cloth na mag-cover sa kanila while si Theo ang main attraction tapos si Pavel naman yung na attract." Sabi ni Singto.

Now I like that!

Hindi maipinta ang mukha ni Theo nung binahagi ni Singto yung idea niya. Biglang marami pumasok na idea sa utak ko kung anong gagawin namin ni Theo.

"Okay. Paghandaan ko yan but for now, let's do the styling." Sabi ni Theo.

Knowing Theo, hindi niya kayang bawiin kung anong nabitawan na niya kaya wala siyang choice kundi sundin na lang ang gusto ng client.

Pumunta kami sa isang kwarto na maraming damit panlalake. Nakakasilaw yung mga damit dahil mamahalin at good quality pa. Mukhang ito nga ang susuotin ko pero sana hindi lahat.

Sinimulan na ni Theo mamili habang ako ay nakatayo niya. Tinitingnan din niya sakin kung anong nababagay sa akin.

Unang pinili ni Theo ay yung orange na turtle neck, long sleeves.

"Isuot mo." Utos niya sakin.

Sinunod ko siya at hinubad ko yung shirt ko. Sinuot ko yung damit habang namimili pa si Theo ng isusuot ko. Binigay niya sakin yung orange din na pants. Medyo na-awkward ako sa trip ni Theo. Hindi siya ganito mag style yung terno. Wala akong magawa kundi sumunod sa boss ko. Naghubad na rin ako ng pantalon ko at mabuti nalang naka boxer briefs ako. Medyo nahihiya ako kasi nandito yung assistant niya.

Matapos ko isuot yung damit ko ay inayos ni Theo yung damit pati na rin yung posibleng hairstyle na babagay sakin.

"Dapat fierce ka sa photoshoot para bumagay yung kulay sa features mo. Alam ko na kaya mo gawin yun." Sabi niya habang inaayos yung sleeves.

Tumango ako dahil nagtitiwala pa rin siya sakin na ma-push through ko yung look na gusto niya.

Binigay na naman niya yung long sleeves polo na may white at blue line pattern at saka black na may pagka-maong na pants.

"Hmmm..." tiningnan niya ko nung sinuot ko na yung second outfit. "Mas bagay yung brush up ang hair mo dito saka medyo light na make-up. Fierce look, pwede din."

Sumunod naman ang next outfit, denim. Sumunod ang casual na halos iba iba ang desenyo. Hindi ko alam kung ilang outfit na casual ang sinuot ko at madaming suggestions din si Theo sa posible look ko.

My Sweet LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant