Bank ❤️ Theo

1.6K 37 19
                                    

~~ Four Days After ~~

Bank's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng mula sa mga nangyari ng buhay ko. Parang isang bangungot yung naranasan ko. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ni Theo kahit apat na araw na ang lumipas. Sa mga balita ni Mom, okay naman ang kalagayan ni Theo maliban sa relasyon niya kay Chen. Gusto ko pa sana ng detalye pero hindi na ako nagtanong. Hinayaan ko na lang na ganun. Baka nalilito lang si Theo ngayon sa nararamdaman niya naku matapos yung nangyari sa amin.

Hinanda ko na rin yung sarili ko na tanggapin lahat ng galit ni Chen.

"Anak, kailan ka babalik sa trabaho mo?" Tanong ni Dad.

"Hindi muna ngayon Dad. Pwede ba mag vacation leave muna ako? Gusto ko magbonding muna sa anak ko." Sagot ko.

"Oo naman anak. Ipa-memo ko na lang na hindi ka muna tatanggap ng pasyente."

Tumango ako sa sinabi ni Dad. Papunta kasi kami ngayon ng hospital niya para patingnan yung sugat ko. Para kasing bumuka ulit dahil sa kulitan namin ni Kyo kagabi.

Nung nakarating kami sa hospital ay dumeretso na ako ng clinic. Umiiwas na rin ako na makasalubong yung mga nurses na nakakilala sakin. Pinatingnan ko na rin sa surgeon yung sugat ko at wala naman problema. Sinabihan na rin niya ko na bumalik after three days para tingnan kung i-check ulit yung sugat.

Nagpaalam ako kay Dad na mauna na ako. Busy din siya sa mga paperworks niya kaya umalis rin agad ako.

Dumaan pa ako ng cake shop para bilhan ng sweets ang anak ko. Binili ko lahat ng flavors ng cakes, one slice each flavor. Hindi ko kasi alam kung ano favorite niyang flavor.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako nina Kyo at P'Dott.

"Kanina pa maghihintay ang anak mo. Akala niya iniwan mo siya." Sabi ni P'Dott.

"Totoo ba yan anak?"

"Yes Dad. Akala ko iniwan mo ko. When I woke up you're not at my side." Sagot niya.

"I'm sorry anak. Mahimbing kasi ang tulog mo pero sinabihan ko naman si P'Dott kung saan ako pupunta." Sabi ko.

"Ayaw kasi maniwala anak." Sabi ni P'Dott sakin.

"Sorry P', ganito lang talaga si Kyo. Gusto niya galing mismo sakin yung paalam ko."

"Okay lang. Kamusta lakad mo?" Tanong ni P'Dott.

"Mabuti naman. At saka, patulong naman ako dalhin yung mga cake na binili ko." Sabi ko.

Nagulat si P'Dott nung nakita niya na puno ng boxes yung backseat sa kotse ko. Ngumisi lang ako sa reaksyon niya. Masaya naman si Kyo nung nakita niya yung mga cake.

"Bakit ang dami?" Tanong ni P'Dott.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang favorite flavor ng anak ko." Binulong ko kay P' yung sagot ko.

"Loko! Pwede ka naman tumawag at itanong sa kanya."

Ngumisi lang ako dahil hindi ko rin naisip yun. Naexcite lang ako na bilhan si Kyo ng cake. Tinulungan na ako ng mga kasambahay para ipasok yung boxes.

"Kyo, ano pala favorite flavor mo sa cake?" Tinanong ko na para sa susunod alam ko na kung anong bibilhin.

"Chocolate at Vanilla Dad." Sagot ni Kyo sakin.

Mabuti nalang nakabili ako nun pero malay mo, magustuhan din niya yung ibang flavors na binili ko. Pumasok na kami ng bahay at sinamahan ko na yung anak ko kumain ng cake. Inuna niya yung chocolate at vanilla. Sinabayan ko na rin siya kumain para happy lang.

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now