Chapter 44

784 37 4
                                    

Kalmado pa rin si Theo kahit nasa likod lang niya si Scott. Naging alerto na rin ako and I'm pretending that I don't know na si Scott ang suspect ng mga nangyari sa amin ni Theo at na-frame up pa niya si Bank.

Kahit nagbulungan sila ay rinig ko pa rin sina Theo dahil sa gamit ko maliit na earpiece na parang earring na nakakabit sa tenga ko.

"Ibigay mo sakin yung mga gamit." Sabi ni Scott.

"Nasa auction nga eh so pwedeng hindi lang ako ang makakuha niyan. Think twice Scott, kung ipapakita mo sa kanila kung gaano ka kasama then be my guest. Sisiguraduhin ko na matatapos yang kahibangan mo sakin sa gabing ito." Sabi ni Theo.

Nagtitimpi na talaga ako at gusto ko ng ilayo ang asawa ko kay Scott pero hindi pwede. Kailangan sumunod ako sa plano.

"Wag kang magmatigas Theo. Ikaw lang naman ang gusto kong makuha simula pa lang. Matapos mo ko pinaasa ay babalik ka ng Bangkok na may asawa na."

Hindi ko 'to alam. Nagkarelasyon din ba sina Theo at Scott noon? Base sa sinasabi niya ay parang ganun nga kasi pinaasa siya.

"Oh come on, Scott. Mga bata pa tayo noon at immature pa ako."

"Kung itutuloy mo yan, tutuloyan ko ang asawa mo. Madali naman i-frame up si Bank na siya ang may sala dahil doktor siya at lalo pa na may galit din siya kay Chen."

Bwisit!

Talagang ipapa-ako pa niya kay Bank yung kasalanan niya. Hindi ako makakapayag kahit may galit pa si Bank sakin.

"Three million!" Sigaw ulit ni Theo.

"Four million!" Sumigaw din si Scott.

Nagtaka na din ang mga tao kung bakit pinag-aagawan nina Scott at Theo yung items.

"Hey, bakit sobrang seryoso kayo sa pagbid? Makakabili naman kayo niyan ah." Sabi ni Plan.

Ngumiti lang ang asawa ko pati na rin si Scott.

"Ten million!"

Nagulat ang mga tao at namangha sa pagbid ng asawa ko. Hindi sila makapaniwala na isang iPad, USB at USB cable ay aabot ng ganung kahalaga.

"Ten point five million!"

Ayon, may nakisabay na sa bidding at hindi na si Scott.

"Theo, tigilan mo 'to!" Parang suminghal na si Scott kay Theo.

"Di ba sabi ko sayo, hindi lang ako ang magkakainterest niyan." Sabi ng asawa ko.

Shiya!

Ni-limitahan lang ni Theo yung pagbid niya up to twelve million just enough to provoke Scott.

"Twelve million!" Sigaw ni Theo.

"Ayaw mo tumigil ha." Sabi ni Scott.

Nagtaas na din ng signboard si Scott at nagbid.

"Fifteen million!"

Namangha na ang mga tao sa pagbid ni Scott. Serve it as done Scott dahil nakuha ka na sa patibong ni Theo.

"Congrats Scott at makukuha mo na yung gusto mo." Sabi ni Theo at humarap siya sabay handshake.

Kahit galit si Scott ay nakipag handshake nalang siya at ngumiti. Agad siya naglakad papunta sa stage at si Theo naman sa kabila, papunta din ng stage.

Nung nagmamadaling kunin ni Scott yung item niya, biglang nagsalita si Theo at huminto siya.

"I would like to congratulate Scott for bidding this item in such a high price. Yun nga lang, bakit sa ganung halaga Scott? Gaano ba ka-importante yang mga bagay na yan?"

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now