Chapter 38

868 39 0
                                    

Dalawang linggo...

Dalawang linggo ako nastress dito sa kumpanya ni Mom, yung Cerbaeo Company. Ang daming gagawin at lalo na kailangan ko pa ng bagong project just to prove to the board members that I'm capable of being the Chairman of this company.

Reports... Projects... Meetings... at iba pa.

Kulang nalang ay hindi na ako umuwi sa condo namin ni Chen dahil sa lecheng trabaho na ito. Bakit pa kasi pina-iral ko yung ego o pride ko? Heto ako ngayon, I'm stuck in the world of Panitchayasawad legacy.

"Hon, magpahinga ka muna. Ako muna babasa ng mga reports." Sabi ng asawa ko.

Napasigaw ako ng malakas dito sa office ko dahil sa stress at peer pressure. Tumawa naman ang asawa ko sa ginawa ko.

"Just let it out Hon. Alam ko na pagod ka na and it's almost 9pm. Sabihin mo lang sakin kung gusot mo ng umuwi." Dagdag ni Chen.

Napayakap ako sa asawa ko at umiyak sa balikat niya.

"Pagod na ko Hon. Gusto ko na mag give up." Reklamo ko.

"May choice ka naman magpahinga Hon but I don't want you to give up. Gusto ko ipakita mo sa kanila na you deserve your position in this company." Sabi pa niya.

Kumalas ako sa yakapan namin at tiningnan ko siya ng seryoso. Pinunasan naman niya yung luha ko sa mukha.

"Kaya nga mag give up kasi sa lahat ng ginawa mo since day one, wala kang sweldo o kahit anong benefits man lang. Bakit mo pa kasi naisip yun ha?" Sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.

Hinalikan muna niya ko sa labi at hinila niya ko para yakapin. Nakaupo lang kami sa couch at nakakandong ako paharap sa kanya.

"Hindi naman pera ang habol ko sa kumpanya na 'to. Sa limang taon na pinagsamahan natin, you give up everything just for me. Lahat ng meron ka sa pamilya mo, yung mga luho na dapat sayo, yung magandang buhay at yung mga bagay na dapat para sayo ay kinalimutan mo ng dahil sakin."

"But I was happy living that kind of life as long as you're with me." Sabi ko.

Hinaplos niya yung ulo ko like I was his baby.

"Kaya nga I had that deal with you Mom kasi it's time na kunin mo na yun. Kaya ko i-give up lahat ng oras ko ng walang kapalit para lang tulungan ka. I want you to be the best Hon. I want to give back everything that you gave up just for me. You also deserve this, Hon."

Hindi ko mapigilan na maluha dahil naging selfless naman ang asawa ko. Alam ko marami kaming naipon pero hindi yun sapat pang habang-buhay. Kailangan din niya magtrabaho para may pera pa din siya kahit papano lalo na napagpasiyahan ko na hindi ko gagalawin yung pera na binigay sakin ni Mom.

"Alam ko kaya mo 'to Hon. Kaya ako na naman ang susuporta sayo." Sabi pa niya.

Tumango ako at napayakap ng mahigpit sa kanya. Siya ang naging comfort ko sa tuwing nade-depress ako from work.

"Gusto ko ng umuwi Hon. Pagod na ko." Sabi ko.

"Sige. Dadalhin ko na lang ang mga reports para bukas mabasa mo agad while on the road." Sabi pa niya.

Tumayo na ko at niligpit na ni Chen yung mga documents saka kami umalis ng office. Naging instant secretary at adviser si Chen sakin. Tinuruan niya ko lahat lahat about business at minsan sumasakit ang ulo ko dahil pina-process pa ng utak ko yung mga tinuro niya.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat ng asawa ko habang pauwi kami ng condo ko. Nag-iisip ako ngayon kung anong project ang gagawin ko. Gusto ko sana yung may substance at both parties ay maka-benefit pero, ano nga?

My Sweet LoveWhere stories live. Discover now