Chapter 41

799 37 6
                                    

"Pinasecure mo na ang airport Perth?" Tanong ko sa kanya habang nasa eroplano kami pauwi ng Bangkok.

"Yes Sir Chen. Inasikaso na ni P'Nine yung area para sa pagdating natin."

"Salamat."

Private plane ni Sir Wayo ang ginamit namin ngayon. Kusang si Sir Wayo na rin ang nagsabi na gamitin namin ang eroplano para hindi kami ma-mob sa commercial plane.

Natutulog ngayon si Theo at ako naman ay hinanda na ang lahat para sa pagbalik namin. Press conference, investigations, and the company.

"Sir Chen."

Napalingon ako kay Perth at inabot ko yung iPad niya. Isang CCTV Footage mula sa hotel kung saan ako inatake. Hindi talaga mamukhaan yung lalake at tama nga ako, sa stairs siya dumaan pero paano siya nakatakas sa akin na sumunod naman ako sa kanya.

"May ibang footage kayo nakuha maliban nito?" Tanong ko.

"Sorry Sir Chen, wala na dahil sinadya sirain yung CCTV bago yung insidente." Sagot ni Perth.

Talagang pinagplanuhan talaga yung pag-atake ko. Teka, ako ba talaga ang pakay niya o si Theo?

Mabuti nalang dobleng bantay ang bodyguards ni Theo kaya hindi siguro nagawa ng lalake yung pagdukot niya sa asawa ko. Napaisip na din ako, kung ang pakay ng lalakeng iyon ay si Theo bakit pati ako ay inatake niya?

Mas lalo ko na figure out na may galit yung mastermind sakin.

"Okay. Wag niyo ng pagtuonan ng pansin yun. We'll catch him in Bangkok." Sabi ko.

"Ha? Paano mo nasabi yan Sir Chen?"

Napangisi ako sa tanong niya.

"Kung hindi niya nagaya na dukutin ang asawa ko, malamang susundan niya ito. Malakas ang pakiramdam ko na hindi siya taga-Seoul."

"Ibig mong sabihin, taga-Bangkok yung lalakeng umatake sayo."

"Hindi ako sigurado pero yun ang posibleng mangyari. Susundan pa rin niya ang asawa ko." Sabi ko.

Kung may galit yung mastermind sakin, I'm sure kaya ako ipapatay nun. Si Theo nga ang gusto niyang makuha at para magawa niya yun, dapat mawala muna ako sa landas.

Clever it is, kung sino ka man pero hindi ako magpapatalo sa mind games na ito.

Kung si Bank man ang mastermind, madali lang ako maka-counteract with enough plans.

Kinausap ko na si Perth at ang team niya. Nag-instruct ako sa kanila na kailangan higpitan na ang security ni Theo once we get in Bangkok. Pinagplanuhan na din namin kung paano hulihin yung lalakeng umatake sakin. Dalawang version lang ang maaring mangyari.

Una, direct to his goal. Ang dukutin ang asawa ko. O ang pangalawa, ang ipapapatay ako.

Isa lang ang maaring mangyari sa dalawang ito kaya I shared my plans with the team. Hindi ko muna iisipin na si Bank ang mastermind ng ito kasi hindi pa ako sigurado. Malakas pa rin ang kutob ko na hindi magagawa ni Bank 'to sa kapatid niya.

"Nakaka-excite naman ito Sir Chen." Sabi ni Perth nung binahagi ko sa kanila ang plano ko.

"Wag ka muna ma-excite. Basta, sumunod nalang tayo sa napag-usapan natin. After ng problemang ito yung masolusyonan at malaman kung sino ang mastermind, ako mismo ang magpapabakasyon sa inyo at may bonus pa kayo."

Sinabi ko yun para gawin nila ang trabaho nila. Sino naman ang tatamad nun pag may bonus na dagdag sa sweldo at may pabakasyon pa.

"Ano na guys? Bakbakan na 'to." Sigaw ni Perth.

My Sweet Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें