Chapter 1

6K 130 7
                                    

October 2030

LIFE is like a cake and love is the icing on top of it. Without love, it becomes difficult to swallow life.

Napangisi si Huffle sa nabasang quotation sa internet. She was thinking of a tagline that could connect baking to love, kaso wala pa siyang natitipuhan.

Paano naman yung isa hindi quotation kundi lyrics ng kanta.

Ikaw na ba si Mr.Right? Ikaw na ba ang love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?

Sinarado na lang niya ang laptop. Hirap na ba talagang kumita ng pera ngayon?

"Mahaba na naman ang nguso mo, Chef!" Bati ng crew niyang si Edward. "Baka naman umalat ang dough natin! Mahirap na"

She chuckled and went to her pantry, "Good Morning din, Edward" aniya, "Mukhang maganda ang gising mo"

"Magaling na kasi si bunso, salamat sa Diyos at hindi na namin dinala sa ospital"

Malawak ang ngiti niyang sinalubong ito, "Sabi ko naman sa'yo, God will take care of it"

"Salamat, Chef" anito at nagpunta na sa likod para iprepare ang mga oven.

She has a bakery shop in Alabang. Madalas siyang nandito dahil ito talaga ang dugo't pawis ng paghihirap niya.

She just schedule her visit in Hotel Martinez para sa mga dinideliver nilang pastries doon.

Isang taon pa lang ang Emery's, syempre hindi pa kilala kaya hindi pa ganun kalago ang pangalan. But, what's important is that they make ends meet.

She bakes for passion not for business only.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng shop dahil sa tunog ng bell na kinabit niya mismo sa may pinto, bumungad doon ang kapatid bitbit si Franz at tumakbo sa kanya ang pamangkin na si Sofia.

"Tita Huffle!" Oh, this girl is too adorable! "I miss you!" anito na sobrang saya. She missed her, too!

"Kuya!" She excitedly went towards him after kissing Sofia's head, "Oh my, you visited me with them!" Tulog si Franz na bisig ng kapatid, he's chubby and cute!

"Tita, I want some cookies!" Hila ni Sofia sa uniform niya, "and milk!"

"Sofia, you didn't even kissed your Tita yet..."

Agad naman na bumaba siya para maabot nito ang pisngi niya pagkuwa'y hinawakan niya si Sofia at inabutan ng cookies na bagong bake, "Nasaan si Ate Abby?"

"I took her for a spa day, masyado na siyang napapagod dito kay Sofia at Franz so I brought her to the spa" masayang sambit nito, "and I would like to surprise you as well"

Napangiti siya at hinalikan ito sa pisngi, "You did! Halika, may mga bagong bake. What do you want? Coffee?"

"Yes, please" he said. Tinawag niya ang staff para pagsilbihan ang Kuya niya't pamangkin, "You're renovating?"

Siya muna ang bumuhat sa isang pamangkin habang kumakain ang kapatid, ang bango-bango! "Hindi pa naman totally, I was thinking if I should put chairs and tables na parang café"

"Why not? I think that's a good idea" Kuya said, "Just tell me if you need anything"

"Sus, kaya ko na ito" she chuckled, matagal din naman ang nilagi niya sa Paris para rito, "Jackpot ka sa babies mo, ang ganda and pogi! Kamukha ni Ate Abby"

Nagusot ang ilong nito, "Kamukha ko kaya!"

"Conceited" they both laughed. Si Sofia kamukha ni Ate Abby habang ito kamukha ni Franz pero hindi niya aaminin kasi nasabi na niyang pogi ito!

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now