Chapter 17

2.1K 104 6
                                    

"LABAS!"

Agad naman lumabas ang binata na siyang nabigla din marahil hindi rin inaasahan na nandito pa siya ngayon.

Agad niyang tinapos ang paliligo at nagpalit ng damit. Humiram muna siya ng t-shirt kay Theo at sinuot ang boxers nito.

Hindi na kasi niya nakita ang mga damit kanina. Maging ang underwear ay wala. Napaikot na lang siya ng mata dahil alam naman niya kung saan iyon nilagay ni Theo.

Si Theo pa ba? Galit sa kalat ang taong iyon. Malamang nasa laundry na ang mga damit niya.

Paglabas niya ng silid ay naamoy niya kaagad ang niluluto nitong pancakes. Kumalam ang sikmura niya.

"Pina-laundry ko yung damit mo. Mamaya nandito na iyon" See? May mga bagay talagang hindi magbabago.

"Bakit nagulat ka na nandito ako kung pinalaundry mo ang mga damit ko?"

He shrugged his shoulders, "You could have use mine. Hindi ka naman maarte sa damit and you love wearing my things so,"

She sighed, "Aantayin ko lang yung mga damit ko at aalis na ako" aniya. Hindi na niya babalikan ang kagabi, hindi na niya pagsisisihan dahil ginusto niya rin. Gustong gusto niya at ang hirap ng ganito.

Akala niya kapag sinabi na kay Theo ang lahat ay okay na. Ngunit ngayong nasabi niya rito lahat inaasam naman niyang siya ang piliin nito at hindi si Crissa.

Tanga lang, hindi ba?

"You can stay" Theo said, "Maguusap pa tayo"

She deeply sighed, "K-Kailangan ko bisitahin ulit si Mommy--"

"Why? What happened to Tita?" Nakita niya ang pagaalala sa mukha nito, "Anong nangyari?"

Iniwas niya ang mata rito. What's not to tell? Wala na rin naman siyang kailangan itago, "Hinimatay si Mommy matapos makatanggap ng abortion papers" aniya.

Nakakunot pa rin ang noo ni Theo at hindi makuha ang sinasabi niya, "Abortion? Nino?"

"C-Crissa made up a fake abortion papers that has my name on it" nanginginig niyang sambit, "Sinend niya kila Mommy at..."

"She did what?" Galit na ang nakita niya sa mata ni Theo.

"T-Theo h-hindi ko magagawa iyon..." nangilid na naman ang mga luha niya. Kailan ba ito mauubos? "Kahit kailan hindi ko magagawa sa anak natin iyon... Hindi ko--"

"Shhh" tinawid ni Theo ang distansya nilang dalawa at sinapo ang pisngi niya, "You don't have to explain. I know, Huffle. I believe in you"

Hinalikan siya nito sa noo at tila may kapangyarihan itong pakalmahin siya, "She used it to make me fool you" dagdag niya, "pero hindi ko na kaya, Theo. N-Nasaktan na kita at ayoko ng maulit pa..."

"Look at me" He said as he locked his eyes on her, "We'll figure this out, okay? We have to do this, this time, together"

"Anong plano mo?"

---

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Catherine sa kanya nang maabutan siyang nageempake ng damit.

She looked at her and continued what she's doing, hindi naman marami ang dinadala niya. Sapat na para makalayo kay Crissa.

"Doon muna ako sa Casa Sinfuego" sambit niya, "Pumayag si Ate Abby na doon muna ako tumuloy habang nagpapalipas ng panahon"

Hindi ito nagsalita sandali bagkus umupo sa kama kung saan nakalatag ang iba niyang gamit.

"Nasabi mo na ba kay Theo?" Tanong nito sa kanya at tinulungan na siyang magayos, tumango siya rito.

Hindi na niya sasabihin ang iba pang nangyari matapos masabi ang totoo. Sa ngayon, gusto na lang niyang umalis.

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now