Chapter 18

2.1K 101 8
                                    

"WHAT are you doing here, Theo?" Diretso niya pagkaalis ng ginang, "You're not supposed to be here"

"It's you who's not supposed to be here, Huffle" sambit naman nito, "Why are you always running away?"

Ngumisi siya, "That's the most stupid question I've heard from you, Theo" she sighed, "Just leave"

"Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama" Pinigilan nitong maisara ang pinto, "Akala mo ba matatakasan mo ako?"

Inis na pumalatak siya, "Paano mo nalaman na nandito ako?" Kung maging siya nga ay hindi alam ang lugar na ito. "Baka makita ka nila Kuya"

"Wala akong pakialam"

"Masasaktan ka nila!" At hindi siya nagbibiro doon.

"Then let them be! Matagal na nila ako dapat sinuntok kung hindi mo ako iniwan" nagtangis ang bagang nito, "and I was wiling to take every punch for you, Huffle"

Nakakapanglambot ng tuhod ang mga sinasabi nito, hindi nakakayanan ni Huffle. Dito siya manhina. Mahina siya pagdating kay Theo and she should avoid her weakness, right?

"You have to go" pinagtulakan niya pa ito, "and guess what? Hindi ako sasama sa'yo"

"Who says I'm forcing you to come with me?" Walang pagaalinlangan nitong sagot. Napakunot  noo siya roon.

"What do you mean by that?"

"I'll stay" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, hindi siya nakapagsalita lalo na nang marinig ang determinasyon doon. "If you won't go with me, I'll come with you."

Hindi pa niya naproproseso ang sinabi nito ay may dinugtong na, "I already called off the wedding"

What?!

"Let's not fight, Huffle" anito, "Kahit ngayon lang, isipin mo naman ako. Isipin mo naman tayo..."

---

Hindi tumira si Theo sa iisang bahay kasama niya. Bago pa niya problemahin kung saan ito tutuloy ay nakakuha na pala ito ng matutuluyan.

Guess what? He rented the house that's three blocks away from her for a month! Does he really want to stay for that long?

"Saan ka pupunta?"

Shit! "Bakit ka ba nangugulat?"

"Hindi naman kita ginugulat" sambit nito, "Nandito lang ako nakaupo nang lumabas ka."

"At anong ginagawa mo diyan? Hindi ba doon pa ang bahay mo?"

Ngumisi ito, "How did you know? Ikaw ha, updated ka sa akin"

What the -- "What? No!" Ang feeling! Nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo rito. Maaga pa, magandang makapamalengke siya para sa isang linggong supplies.

Nilista naman na niya ang kailangan. Ang sabi ni Ate Abby ay pwede siyang manghiram ng oner dahil wala sa Casa Sinfuego ang malapit na pamilihan.

"Saan ka nga pupunta?" Habol na naman nito.

Umirap siya, alam niyang hindi siya tatantanan nito, "Mamimili, okay?"

"What a coincedence, mamimili rin ako" napatigil siya sa paglalakad at hinarap ito, "Sabay ka na?"

At siya pa ang mukhang sasabay ngayon?

"Ano bang plano mo, Theo?" diretsa niya rito, "Lumayo na ako--"

"Wala na kami" putol nito sa kanya, "Nang umalis ka kaagad ay pinuntahan ko siya" dugtong nito.

"Hindi ganun kadali iyon"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now