Chapter 43

1.7K 101 7
                                    

"H-HAWAKAN mo ako, Theo..." she cried and kissed him again.

Ngunit naramdaman niya ang kamay ni Theo na marahang inilayo ang sarili sa kanya.

"There's something wrong" Lumayo si Theo nang bahagya. Worry filled his eyes. "Bakit namamaga ang mga mata mo?"

"Theo.." She can't answer. Baka sariling tinig ang maglaglag sa kanya.

"Anong nangyari sa'yo?" He cupped her face, naluluha siyang muli. "Huffle?"

Sasabihin ba niya? Paano siya magsisimula? Baka kung ano ang isipin nito! Baka siya pa ang mapasama.

"Huffle!" May narinig silang sumigaw sa labas ng bahay, "Huffle magusap tayo! Huffle, I'm sorry!"

Si Alvin iyon! Sinundan siya ng huli.

Tumayo si Theo at sumilip sa bintana. "What is he doing here?"

"Theo, huwag!" Pigil niya rito nang akmang lalabas, "Huwag ka nang lumabas.."

Puno ng pagtataka pero bago pa masagot ay muling sumigaw amg lalaki.

"Huffle! Hindi ko sinasadya, magpapaliwanag ako!" Ring pa nilang muli, naalala niya tuloy ang nangyari kanina.

"Hindi sinasadya?" Nagiba na ang expresyon ni Theo, "Anong ginawa sa'yo?"

"Theo.."

"What happened?"

Pumikit siya at muling inalaala ang nangyari kanina.

"N-No, you'll like this later.."

She prayed. She prayed for strength. Hindi niya kaya si Alvin magisa. Maliban sa nasasaktan ay nakakapanghina pala na ang taong pinagkatiwalaan mo ay may kakayanang pagsamantalahan ka.

But, she has to be strong. Para kay Eliz. Para kay Theo.

"M-Makukuha mo ang gusto mo, Alvin pero hinding hindi ang puso ko..." Iyak niya, "Kahit kailan hindi..."

Natigilan si Alvin sa narinig sa kanya. Parang nagising sa mga sinabi niya.

Tinanggal nito ang kamay sa katawan niya't napabangon sa higaan. Napasabunot sa sariling buhok. She took that time, agad siyang napabangon at kinuha ang mga gamit, "H-Huffle..."

"Hindi ka ganito..." nakita niya rito ang pagsisisi ngunit huli na ang lahat para doon, she stepped back when he tried to be near, "Hindi na kita gustong makita kahit kailan..."

He stopped. That's when she took her time to go and leave that place.

Nanlaki ang mga mata ni Theo sa kwento niya. Nagtangis ang bagang nito't nagdilim ang paningin.

"T-Theo!" Pigil niya sa huli nang lalabas ito ng kwarto, "T-Theo, huwag na!"

But, it will be impossible for Theo to stop. Kahit siguro sino ay hindi mapipigilan ito.

"Huffle?" Tawag ni Alvin sa kanya, Nakaabot na sila sa labas at pagkabukas pa lang ng gate ay dinambahan na ni Theo si Alvin.

"Hayop ka" Banta nito, "Hayop ka!" Bumagsak na ito sa sahig.

"Theo!" sigaw niya.

"M-Magpapaliwanag ako" Ngunit isang suntok pa muli ang tinanggap nito, "Huffle!"

"Huwag mong matawag tawag ang pangalan niya, tangina mo" Kinuwelyuhan ni Theo ang isa, "Papatayin kita, naiintindihan mo? Papatayin kita!"

"Theo!" pigil niya sa nobyo, "Tama na!" Sinubukan niya itong hilain sa pamagitan ng pagpulupot ng bisig sa bewang nito pero pati siya ay natumba.

Nagsilabasan na ibang kapitbahay nila. May ilang ayaw mangialam pero hindi rin nakatiis at nagtawag na ng security.

"Sir, tama na ho"

"Theo!" Tumakbo siya muli rito at niyakap ang lalaki, "Tama na, tama na please..."

"Ipapakulong kita" Akmang dadambahin nito muli si Alvin ay napigilan na sila ng mga security.

"Sa presinto na po kayo magusap"

Tinawagan niya si Catherine para kay Eliz. Hindi naman niya ito pwede pabayaan. Mabuti na lang at malapit lang ito sa kanila't nakarating kaagad.

Nauna si Theo sa presinto't nabigla siyang nakita kaagad ang tatlong kapatid na nandoon.

"K-Kuya..." naluluhang sambit niya nang yakapin siya ng mga ito isa-isa.

"We will press charges" Pinal na desisyon ni Kuya Raven, "That boy will rot in hell"

"Sinaktan ka ba? Tell us" sunod naman na sabi ni Kuya Gryffin.

Agad naman siyang hinawakan ni Kuya Slyther sa kamay, "Don't worry, I'll make sure he won't bail--"

"Kuya" pigil niya sa mga ito, "S-Si Theo?" she appreciate her prince charmings presence pero kailangan niyang makita si Theo.

"Pinagamot lang namin ang sugat sa kamay" sagot ni Kuya Gryff, "Muntik nang makabura ng mukha"

"C-Can I see him?"

"You need to give your statement first" Si Kuya Slyth. "After that, you can go home and rest, and I'll take care of it"

Iyon naman ang ginawa niya. Sinamahan siya ng tatlo sa loob ng head quarters at nagbigay ng statement niya gaya ng sinabi ng kapatid.

Alvin will be in their custody as of now.

"Can I see him now?" agad siyang hinatid ng mga ito sa isang malapit na clinic doon. He's sitting at a clinic bed habang binebendahan ng nurse.

She stood there for a while. Iniisip na, ito na naman. Akala naman niya tapos na ang trahedya pero bakit parang hindi natatapos? Hindi pwedeng masaya na lang sila?

"T-Theo" tawag niya rito nang umalis ang nurse, kaagad naman siya nitong narinig.

"Huffle!" Agad itong tumayo at lumapit sa kanya, "Baby, are you okay?" he cupped her face and started to examine her body.

Tinignan kung may pasa ba o sugat.

"I-I'm okay..." iyak niya, "Ikaw?"

He embraced her tightly. Yung mahigpit na hindi nakakasakal.

"I'm sorry kung wala ako doon" bulong nito, "Patawarin mo ako"

See? Ito pa ang humihingi ng tawad!

"Hindi ako sumama sa kanya sa silid..." paliwanag niya kaagad, "Hindi ko alam na nandoon pa siya dahil--" Theo shut her up by kissing her lips.

"You don't need to explain, Huffle" anito't masuyo siyang tinignan sa mga mata, "Okay?"

Tumango siya't muling niyakap nito. Ibang iba ang nararamdaman niya sa yakap ni Theo, lalo na sa haplos nito. Ibang iba sa paghawak ni Alvin sa kanya.

"Uwi na tayo..." Aya niya rito, "Umuwi muna tayo..."

Nakakaunawa itong tumango kahit na alam niyang hindi pa doon ito matatapos.

---

Salamat sa pagbabasa. Hoping that your heart will be ready for the next chapter. Praying that everything will make sense. God bless!

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now