Chapter 23

1.9K 101 2
                                    

"YOU have to calm down, Babe..." pagalo ni Abby sa asawa, "Hindi maayos yung sitwasyon kung papangunahan ka nang init ng ulo"

Napabuntong hininga si Raven, pilit iniintindi ang sitwasyon, "She's my sister, Babe"

"She's my sister, too" dugtong ni Abby, "Wala akong kinakampihan dito pero isipin mo rin nang mabuti si Huffle"

"This is for her, too! Kaya ako nagkakaganito dahil iniisip ko siya. That man caused her misery!"

"At patuloy siyang magiging miserable kung hindi mo sila papakinggan man lang" Masuyo nitong sambit sa asawa, "Babe, we've been in the same position once. You, of all the people, should have understand what happened to them. Kung bakit sa kabila nang lahat ay pinili pa rin nila ang isa't isa"

Natahimik si Raven tila napaisip sa sinabi ng asawa, "This is different--"

"No" putol muli ni Abby, "This is not different, because this is love. Nagkamali sila noon pero kung hindi natin sila bibigyan man lang ng pagkakataon, paano sila nagsisimulang muli?"

Wala pa rin nasagot si Raven kaya naman lumapit na si Abby rito't kumandong sa asawa, "Naalala mo nung pinahirapan ka ni Daniella?" Mapaglaro siyang ngumisi, "She tested your perseverance because she wanted to see how far could you go to have my heart again"

Nagkatinginan silang magasawa nang parang nakuha nito ang pinaparating niya.

----

NAGISING si Theo sa malakas na pagkatok mula sa pinto. Nakatulog sila ni Huffle pagkatapos ng tanghalian.

Dahan-dahan siyang bumangon dahil baka magising ang dalaga, "I love you" bulong niya rito pagkuwa'y magaan na hinalikan sa sentido.

"Sandali lang..." sambit niya nang makalabas ng silid, "Bakit--" natigilan siya, "K-Kuya"

"Raven" walang emosyong sambit nito, "Hindi mo ako kapatid kaya huwag mo akong ma-Kuya"

Napalunok naman siya at napatango na lang, "O-Opo.." niluwagan niya ang siwang ng pinto para papasukin ito.

"No need, where's my sister?"

"Natutulog" nagaalangan pa siyang sabihin dahil baka manapak na naman, pero bahala na, "Sandali gigisingin ko--"

"I need to talk to you" diretsa nitong sambit, "Lalaki sa lalaki, Theo"

Tinignan niya ito sa mga mata, nais iparamdam na handa siya sa sasabihin nito.

"Hindi ko iiwan si Huffle" pangunguna na niya, "Alam ko marami kaming pagkakamaling nagawa pero mahal ko si Huffle at hindi ko siya iiwan" Hindi na niya hahayaan na mawalay ito ulit sa kanya.

"I still don't like you" seryoso nitong tugon sa sinabi niya, "but too bad, she loves you either" huminga ito nang malalim.

"Just give me one last chance, Raven" Kahit isa lang ay papatunayan niyang karapat-dapat siya para dito, "Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na ipaglaban sila ng anak namin noon, pero gusto kong bumawi ngayon. Isa lang..."

Sandaling nagkatinginan silang dalawa. Walang nagsasalita.

"Alright" Nakakabiglang sagot nito, "But I have conditions..."

"Conditions?"

Tumango ito, "Are you up for it?"

Hindi na niya papalagpasin iyon, "Oo. Just tell me what I need to do and I'll do it"

---

"THEO?" Akala niya'y ito pa ang katabi niya pero hindi na pala! "Sofia!" agad siyang napabangon.

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now