Chapter 9

2.1K 98 9
                                    

"BAKIT mo tinanggap?"

Bulyaw ni Catherine nang makaalis na ang magkasintahan, "Ano ba, Huffle? May plano kang sumunod sa GOMBURZA?"

"Hindi ko rin alam" Napakamot siya sa pisngi, "I was caught off guard! At isa pa, paano ko sasabihin kay Crissa na ayaw ko? Mas madali iyon kung alam na niya ang totoo!"

Pumamewang ito, "At kailan niya dapat malaman ang totoo? Sana kanina sinabi mo na! She has to know, nasasaktan ka nung tao na wala siyang kamalay-malay"

She sighed, "Hindi naman niya dapat malaman na nasasaktan ako" aniya, "I'm fine, okay?"

"So, kailan mo nga sasabihin?"

"Theo asked me if he could say it. I agreed"

Huminga ito nang malalim, "Dapat may ultimatum! Aba't hindi ka maghihintay forever, ano?"

Make sense. Ngunit paano niya sasabihin? Personal ba o hindi?

"Speaking of the devil" ani Catherine na nakatingin sa likod niya, "May nalimutan yata..." tumalikod ito at iniwan muna siya sandali.

Humarap siya kay Theo, "Kailan mo sasabihin sa kanya?" She asked, "I can't keep this up, Theo"

"Just give me time, Huff" anito sa kanya na may pagaalinlangan, "Hindi ako sigurado kung kaya niyang malaman ang nakaraan natin"

Para siyang binuhusan nang malamig na tubig, "Hindi mo na sasabihin ang nakaraan na tinutukoy mo" pinal niyang sagot, "Hindi na kailangan malaman ng iba iyon! What you need to tell her was we just had a past. Tapos."

Napailing ito, "She's gonna be my wife, Huff. Kung sasabihin ko ang totoo sa kanya ay kailangan kasama ang --"

"Don't" putol niya, "Please..." Hindi pupuwedeng malaman iyon ng iba. Kahit si Crissa. Si Catherine lang ang tanging nakakaalam ng bagay na iyon at mas ayos na sa kanya na silang tatlo na lang ang nakakaalam.

"We can't keep it a secret forever, Huffle" seryosong sambit ni Theo, "It happened. Hindi iyon basta bagay na pwede nating kalimutan at itago"

Damn it! "Kung hindi mo kayang sabihin kay Crissa ang parte na gusto kong malaman niya. Ako na lang ang magsasabi" seryoso na niyang sambit, "Hindi na natin uulitin ang paguusap na ito, Theo."

Nauna na siyang umalis at umuwi na sa apartment niya. She sat on the edge of her bed, pilit na pinakakalma ang sarili.

"Damn it" binuksan niya ang cabinet at kinuha ang sigarilyong tinago doon. She went on the fridge at binuksan ang alak na nandoon pagkuwa'y lumabas sa balcony para sindihan ang sigarilyo.

Sa bawat hithit at lagok sa alak bumabalik na naman ang alaala na matagal na niyang kinalimutan.

"N-Natatakot ako, Theo. My brothers would kill you!" Alam niyang hindi siya sasaktan ng mga kapatid kundi ito.

At hindi niya makakayanan iyon!

Tinignan ni Theo iyon pagkuwa'y kinulong siya sa bisig. Doon na bumuhos ang mga luha niya.

"Huwag ka ng umiyak, hindi ako natatakot na humarap sa kanila." Humigpit ang yakap nito sa kanya, "I'm sorry, Baby.. I'm sorry you have to be scared like this.. this is not your fault... I'm sorry..."

She went back to her senses when she heard a knock on her door. Sino ang kakatok sa kanya sa ganitong oras?

Sinilip niya sa peephole ang taong kumakatok at nabigla nang si Theo iyon, "Huffle.." katok nitong muli at bakit garalgal ang boses nito? "Huffle!"

Damn it, Theo. Paano nito nalaman ang tinitirahan niya? Does Crissa told him? Bakit ba hindi siya tantanan nito?

Nakailang tawag muli ito bago niya pagbuksan.

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now