Chapter 11

2K 98 8
                                    

THREE weeks.

She's exactly three weeks pregnant. Iyon ang lumabas sa resulta na ginawa ng doctor para sa kanya.

"Oh my god! Buntis ka!" Asik ni Catherine sa kanya, "Kailan mo balak sabihin sa akin na..."

Umirap siya, "Bakit ko naman sasabihin?"

"Mapapatay ng mga kapatid mo si Theo!" Doon siya natakot. Oo nga pala! Shit! "Ano ang sasabihin niyo ni Theo?"

Nanlamig siya bigla, "H-Hindi ko alam..."  Kailangan niya munang ipaalam ito kay Theo. Would he like the news? Natakot siyang muli.

Dumiretso siya sa firm ng ama at unang hinanap ang nobyo, "He's inside Engr. Dominic's office" ani ng secretarya, "Hatid ko po kayo, hindi naman po sila ganun kaabala"

Tumango siya at sinundan ang babae, pagkabukas ng pinto ay naabutan niya si Theo at isang babae.

Magkadikit habang may tinitignan sa mesa. Maybe the plates. Parang naginit ang mga mata niya.

"Huffle?" Agad siyang nilapitan ni Theo, "What are you doing here?" Hinalikan siya nito sa noo.

Hindi naalis ang tingin niya sa babae na mataas ang kilay na tinignan siya. Antipatika!

"Hindi ko na ba pwedeng bisitahin ang firm ng Daddy ko?" She purposely emphasize the words para sa babaeng mukhang linta.

Theo smiled. At bakit ito ngumiti? May nakakatawa ba sa sinabi niya? Wala!

"Of course, not, Baby" he chuckled, "By the way, I would like you to meet Venus Ainsworth"

Venus, ha? Pangalan pa lang malandi na.

"Hi" bati nito sa kanya.

"I'm... not interested" tumalikod siya at lumabas ng opisina, doon niya naabutan ang Daddy.

"Huffle! What a pleasant surprise" Yakap nito sa kanya, "Visiting your boyfriend?"

"If you don't mind, Dad? Kakausapin ko lang"

"Of course" He smiled, "Magtatagal ka ba? Can I invite you for dinner? Kayo ni Theo"

"Sure" She smiled, "Thanks, Dad"

Nang makasunod si Theo sa kanya ay tila alam na nito ang pagaawayan nila, "Baby, she's just a colleague"

"Buntis ako" Diretsa niya rito na kinagulat ng huli, "Exactly three weeks..." nanghina ang boses niya.

Doon na rin bumuhos ang luha sa mga mata niya, "I-I'm sorry--" napaupo siya sa sofa.

Lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya, "Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?" Masuyo nitong sambit sa kanya.

Masaya? Paano siya magiging masaya kung bago pa siya maikasal ay ma-byuda na siya kaagad once her brothers figure this out!

Nilabas niya ang pregnancy test at pinakita rito, "I'm scared..." she said while looking at the small rectangular box.

"Pananagutan kita" sagot nito, "Kasama mo ako... Tatawagan ko ang Lola para masabihang mamanhikan kami mamaya"

Nanlaki ang mga mata niya! He make it sound so simple!

"Ano ka ba! Hindi ako nagbibiro" Naiinis niyang hinampas ang balikat nito, "You think this is a joke?"

Mapagmahal pa rin siyang tinignan nito, "Who says I'm kidding?" hinaplos nito ang pisngi niya, "Ano ba ang kinakatakot mo, mahal ko?"

Hindi ba talaga nito alam o nagmamaangmaangan lang?

"N-Natatakot ako, Theo. My brothers would kill you!" Alam niyang hindi siya sasaktan ng mga kapatid kundi ito.

Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon