Chapter 20

2.1K 99 7
                                    

"T-THEO, bilis..."

Namumuo na ang pawis sa noo niya at tila malalagutan ng hininga sa ginagawa.

"Shh, your neighbors might hear you" sambit naman nito, "Handa ka na ba?"

Damn it.

"Oo nga! Dalian mo na, ipasok mo na iyan" Nagmamadali niyang sambit dahil baka mahabol siya nang katinuan, "Bilis!"

Theo chuckled with her response. Aba't nangiinis nga! "Ako na nga! Ang bagal bagal" sumampa siya pagkuwa'y inirapan ang huli.

"Fuck, dahan-dahan naman Huffle!" Napadaing ito sa pagsampa niya, "Hindi ka mabigat pero dahan-dahan, okay?" Aba't mukhang nananadya si Theo. Masasapak niya ito mamaya, e!

"Ughh.."

"Damn, Huffle" he cussed, "Huwag kang maingay" he smirked, "Sabik na sabik?"

"Nakakainis ka!" Ungot niya rito. "Hindi ka makakakain mamaya!"

"Sino kayo!?" Gulat na napalingon silang dalawa sa isang matandang lumabas! "Magnanakaw kayo, ano!"

Agad siyang bumaba mula sa likod ni Theo at hinila ito paalis! Patay nahuli sila!

"Yung mga mangga!" Binalikan ni Theo nang mabilisan ang supot na pinaglagyan nila at agad silang tumakbo papalayo bago pa mahabol ng matanda. As if mahahabol sila.

Agad silang sumakay sa sasakyan nito at bumalik sa Casa. Nagtatawanan silang pareho nang makabalik. Stupid.

"Ang konti lang tuloy!" Inis niyang tugon nang makita na lilimang mangga lang ang napitas nilang dalawa, "Ang bagal bagal mo kasi!"

Napakamot ito sa pisngi, "Hala, isa nga lang ang nakuha mo! Ang ingay mo pa!" napaupo ito muli sa sofa, "That was tiring"

"Hoy! Saglit mo lang ako pinasan!"

Ngumisi ito, "Masakit likod ko, Huff.. Dito oh, massage nga.." Inirapan lang niya ito. Lakas din.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa trip nila? Nang maubos nila kaagad ang dalawang Smirnoff ay bigla siyang natakam sa mangga.

Lumabas sila para maghanap ng puno ng mangga pero kinailangan pa nilang gumamit ng sasakyan para makahanap ng mabunga.

Hindi nga nila alam kung saan banda sila napadpad!

Nagkatinginan na lang sila at bigla na namang natawa. Oh, whatever!

"Ang lakas ng sapak mo" Natatawang ani Theo, "Ganito ka pala kapag nakakainom"

Ngumiti siya, "Sana makita ni Lolo yung iniwan nating papel doon" aniya. Nagiwan sila ng papel sa labas ng pinto nito na may sulat at lamang pera, hindi naman sila nagnakaw talaga.

Sana mabasa nung matanda.

"Inom pa tayo" tumayo siya sa sofa at akmang pupunta sa kitchen para buksan naman ang nakitang vodka sa shelf kanina.

Kila Ate Abby siguro iyon. Hindi naman masama siguro kung iinumin nila?

"Huff" He tugged her arm, "Tama na. You had enough" saway nito at natatawa.

"Anong nakakatawa?"

"Ngayon pa lang gusto mo ng umakyat ng puno ng mangga paano kung mas malasing ka? Mamaya kumain ka na ng damo!"

"Gagi" They burst out in laughing. Hindi niya namalayan na magkalapit na sila nito at isang bisig ay nasa bewang na niya, masuyong hinahaplos iyon.

Nagkatitigan silang muli. Wala na ang mga tawa. Puso na nila ang parehong maingay sa pagkabog.

"God, you're so beautiful..." He murmured and caressed her cheeks.

Beautiful GoodbyeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz