Chapter 40

2.1K 105 4
                                    

"WHAT's the occasion?" Dad asked.

Lumapit siya sa ama at hinalikan ito sa pisngi, "You'll find out later, Dad. Thanks for coming" she said, "Eliz! Nagbless ka na ba kay Lolo Dad?"

Lolo Dad ang tawag nito kay Daddy Dominic. Lolo Paps naman ang tawag sa Papa Tristan niya.

"Yes po, Mama"

"How are you, darling?" Dad asked, "Kumusta kayo ni Eliz dito? Hindi ka ba nahihirapan?"

Umiling siya, "Hindi naman po, Dad" lalo na ngayong nandito na si Theo. Mamaya pa lang niya sasabihin sa mga ito. "I'm doing good, how about you? No date?"

He just smirked and sip on his coffee. Minsan lang nila makasama ang Daddy dahil nagpokus ito sa negosyo.

He has branches of engineering firm around Asia. Paikot-ikot para maginspect, he's just living his life to the fullest.

"No plans on loving again, Dad?" She asked out of the blue, namana niya ba sa ama ito? Iyong kahit wala nang makitang rason para ipagpatuloy ang pagmamahal ay magmamahal pa rin?

"Who said I stopped loving, anak?" Masuyo nitong tanong sa kanya. "Should I bring a woman just to show that I'm loving, again?"

She sighed, "Hindi naman po sa ganun, Dad" aniya, "But, I'm just worried. Are you even okay? May nagaalaga ba sa'yo?"

"I take good care of myself!" Anito, "Anak, don't think that I got into a trauma after what happened long time ago. Your Mom and I are friends, and it's okay. Masaya na ako doon"

"How?" Hindi niya maiwasang itanong. Don't get her wrong, mahal niya ang Papa Tristan niya. She's grateful for him pero, "H-How did you accept it?"

Sandali siyang tinignan ng ama, "It's because of you and your siblings" He pinched her chin, "Seeing all of you happy amidst the mistakes that I've done. Okay na ako doon, anak. That's my happy ever after"

"Mahal mo pa rin ba si Mommy?"

"Oo" walang pagaalinlangan nitong sagot, "but I love her enough to set her free" Napatingin siya sa mga mata nito at walang masabi, "Huffle, maraming klaseng pagmamahal dito sa mundo. Ngunit ang pinakanatatangi sa lahat ay ang pagibig ng Diyos. Dahil sa Kanya natanggap ko ang pagibig na kayang ibigay sa akin ni Icang, at napanatag na ako doon. Anak, alam kong mahal mo pa rin si Theo. Huwag mong isipin na hindi mo na siya mahal kung magmamahal ka muli ng iba dahil ang pagmamahal, hindi naman nawawala. Nagiiba lang"

Totoo naman ang sinabi ng ama. Hindi nawawala, nagiiba lang ang pagmamahal ngunit sa sitwasyon niya. Mas lalo niyang minahal si Theo.

Nagsipagdating na rin ang mga kapatid kasama ang pamilya ng mga ito. Hindi rin nagtagal ay dumating ang kambal kasama ni Mommy.

"Hindi ko pa naman birthday pero bakit nandito tayong lahat?" Biro ni Mommy. "Anong mayroon?"

"May announcement yata si Huffle, Ma" sambit ni Ate Abby, "Naeexcite ako!"

"Baka tungkol sa Emery's" hula naman ni Alanis, "You have another branch with Alvin?"

"Hmpf! Kung tungkol kay Alvin iyan ayoko marinig" Dali ni Ate Ella. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Alam niyang nabadtrip ito kay Alvin nang akalain ng huli ay yaya siya ng mga bata.

"Mahal, patawarin mo na yung tao. Nagsorry na iyon" ani Kuya Gryffin.

Bigla naman nagreact si Kuya Slyther, "Ang tawag diyan, Ella. Karma"

Nagasaran na naman ang dalawa. Minsan sila ang mas mukhang magkapatid dahil bangayan nang bangayan.

"Stop it, kids" ani Kuya Raven, "What's the celebration for, Huffle?" 

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now