Chapter 36

2.2K 98 6
                                    

January 2031

NAGPUNTA si Huffle sa opisina niya't sinabi ang plano nitong pagsama kay Crissa sa States. He was surprised.

"Sasama ka?" Ulit niya, "Are you sure?"

Tumango naman ito, "Theo, I can't let her stay here without doing anything. Hindi ko magagawa ito magisa and I need you with me..."

Hinawakan niya ito sa magkabilang braso, "Calm down, Baby. Okay, you want us to come with her... what are your plans?"

Huminga ito nang malalim, "We will both convince her to go and we'll both stay with her until its done"

He stilled, "We will convince... her? So, it means hindi pa siya payag?"

"T-Theo..." Her tears are already at bay.

"And will that be okay?" he asked, "Huffle, I know that you are friends and she has already accepted what's going on between us pero... seeing us together won't do her any good. She's still healing..."

"That's why I need your help"

Theo cupped her face and caressed it, "Okay. Fine. Let's do it your way, tell me everything..."

Tatlong araw.

Tatlong araw nilang kinumbinsi si Crissa na magpagamot. Tatlong araw itong tumatanggi at umiiwas sa lahat ng kakausap dito para magpagamot.

Until, "What do you want?" diretsang tanong ni Huffle rito, "Tell me what you want para magpagamot ka"

She sighed, "I just want a peaceful death, Huffle" anito habang naglilipat ng pages sa magazine, "Will you give me that?"

Umiling naman si Huffle, "No. Hindi iyon ang tinutukoy ko"

"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin na gusto kong pumunta ng beach para makita ang sunset kagaya sa pelikula?" pauuyam nito, "kapag ba sinabi kong gusto ko sumakay sa kabayo papayagan niyo ako?"

"Iyon ba ang gusto mo?" tanong niya, "Kapag naisakay kita sa kabayo magpapagamot ka na?"

Ngumisi lang si Crissa, "Hindi niyo ba talaga ako titigilan?"

"Nope!" Huffle emphasized the letter P. Habang siya ay napapailing.

Crissa rolled her eyes, "Bagay nga kayong dalawa" she hissed, "Why not start to build a family? Mas maganda iyon!"

"Crissa!" Hindi na nakapagpigil si Huffle, "It's your life we are talking about here. Please, tell us what can we do! We are talking about time here"

"Fine" Sinarado nito ang magazine, "I have three requests, Huffle" ngumisi itong muli, "Kapag natupad mo ang isa, I'll go to States. Kapag nagawa mo ang pangalawa, magpapagamot ako"

"What's the third?" He asked. Nagkatinginan silang dalawa ni Crissa. There's something in her eyes that speaks surprise.

What could it be?

"You'll know once the two wishes are done" She crossed her arm and leaned on the bed, "So, do we have a deal?" Nilahad nito ang kamay.

Nagkatinginan sila ni Huffle. The deal seemed pretty fair. Ano kaya ang hihilingin nito?

"Deal" Inabot ni Huffle ang kamay nito.

----

"Where are we going?" Tanong ni Crissa nang sunduin nila ito sa ospital. Pinayagan itong umalis ng doctor sandali pero agad babalik pagkatapos.

"First request, makasakay sa kabayong kulay puti" basa ni Huffle sa listahan na hawak. "May color talaga, ha?"

"I love white horses"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now