Chapter 46

2.2K 97 8
                                    

"ALTAMIRANO, laya ka na!"

Agad na binuksan ng pulis ang selda kung nasaan si Alvin. She stood up and waited for him to come close.

Ngunit sa paglalakad nito ay bigla naman natigilan nang magtama ang mga mata nila. Theo snaked his arms around her waist, instinctively shielding her.

"A-Alvin" bati niya rito. Kung hindi siya magsasalita ay walang gagawa niyon. "K-Kumusta ka?"

Iniwas nito ang tingin sa kanya pagkuwa'y biglang lumuhod! "Alvin!"

"F-Forgive me, Huffle!" Iyak nito, "I-I was blinded by my selfish desire. I-I'm sorry, I got desperate. Inisip ko na baka pwede naman kung sakaling.." Hindi nito tinuloy, "I'm sorry..."

Tinignan niya si Theo at nakaunawa naman itong tumango, "I'll wait for you at the car" anito pagkuwa'y tumingin kay Alvin bago lumabas ng presinto.

She leveled herself to him. Tinignan ito sa mga mata. "Umupo nga muna tayo rito" aya niya sa may visitors area. Mabuti at wala pang masyadong tao, makakapagusap pa sila nang maayos.

"Sa totoo lang, Alvin" she sighed, "I never thought you'll do that... malaki ang tiwala ko sa'yo at kahit kailan hindi mo inisip na saktan ako..."

"Huffle, mahal kita" sambit nito, "and I admit that  it was wrong. Nagising ako nang sabihin mo sa aking hindi mo ako mamahalin kailanman.. and the only love that you could offer, I blew it off.."

Hinawakan niya ang kamay nito, "That's why I'm here, Alvin" she bit her lip, "I forgive you..."

Umiling ito, "N-No.. I don't deserve it.."

"That's what you call grace" aniya, "Alvin, hindi naman mabubura ng isang pagkakamali ang lahat ng tama na ginawa mo sa amin ni Eliz. Naiintindihan ko. I'm sorry, too if I couldn't reciprocate the love"

"Wala kang kasalanan sa akin, Huffle. This is all on me..."

"Pinapatawad na kita Alvin, pero hanggang dito na lang muna ang pagkakaibigan natin" Nakakaunawang tumango ito, "Please, don't lose hope in finding the one for you. Marami pang darating, Alvin. Hindi mo kailangan ipagpilitan ang sarili mo dahil kusang darating ito sa'yo"

Niyakap niya ito sa huling pagkakataon bago naunang umalis. Mga abugado na lang nila ang maguusap tungkol sa ititigil na partnership.

Dalawang linggo ang lumipas at nabalitaan niya sa kapatid na hindi na binenta ni Alvin ang shares niya kay Huffle kundi kusang binigay na lamang.

He migrated as well. It's for the best maybe.

"Are you ready?" tanong sa kanya ng Papa Tristan niya, "You're the most beautiful bride that I've seen"

"Paano si Mommy?"

"Of course, that's given" he smiled and kissed her forehead, "This is it, princess"

"Pa" hawak niya sa kamay nito, "Thank you..."

"For what, anak?"

"For everything" sambit niya, "For being the best Papa in the world"

Mapagmahal siya nitong nginitian at niyakap, "Ako lang naman ang Papa mo kaya dapat lang" he chuckled, "Syempre si Dominic ang best Daddy, hindi pwedeng iba!"

"Yes naman!" Hinaplos nito ang pisngi niya, "Pa, will you and Dad walk me in the aisle?"

Tila nasurpresa yata ito at nagtubig ang mata, "R-Really?"

"K-Kung okay lang po"

Tumulo na ang luha nito at agad siyang niyakap muli. "Of course, princess. Gustong gusto ko.."

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now