5 ~ DNA

291K 9.1K 5.2K
                                    



CHAPTER FIVE

MATAPOS ANG hindi mabilang na oras na pananatili sa madilim na silid na 'yon, muling narinig ni Jess ang maiingay na yabag sa labas. She straightened her sitting position and waited for the door to open.

Marahas ang pagbukas ng pinto kasing rahas ng pagbagsak ng isang rebulto hindi kalayuan sa kanya. She could almost hear a groan from that person.

Nang muling sumara ang pinto at nasiguradong wala na ang mga tauhan ni Tommy, kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para kilalanin ang bagong kasama. Umusog siya ng bahagya, gumawa 'yon ng marahang kaluskos.

"Who are you?" The familiar baritone asked in a cold tone.

Ang mga pinipigil na emosyon ay biglang bumuhos. Takot, kaba at pagkabahala sa kaligtasan niya ang siyang namayani.

"D-Dwaye," she muttered in a hopeful and shaky voice. "Is... is that y-you?"

"Yes, don't worry now." His voice was soft. It's very unusual. Dwaye has these strict and flat tone most of the time. Hearing his soft tone comfort her for some reason. "You'll not be alone anymore." He assured her.

"Dwaye," she started sobbing and move forward to feel his body literally.

She needs someone to comfort her, no matter who is that someone. She just need a comfort to make her feel that she's safe...that she's not alone in that dark scary room.

"Hush," alo ng binata sa kanya at naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa ibabaw ng kanyang ulo. Napapikit si Jess at dinama kung gaano kasuyo ang patak na halik na 'yon, pinagaan niyon ang loob niya. "Huwag ka nang matakot, nandito na ako." Parang isang pangako 'yon na gagawin ang lahat para lang matupad.

Isang pangako na pinanghawakan niya.

Tumango-tango si Jess, lalong idinikit ang sarili sa matipunong dibdib ni Dwaye. Ang buong pagtitiwala rito ay hindi na lumabas pa sa bibig niya, ipinaramdam niya nalang 'yon sa paraan ng paglapat ng katawan niya sa binata at sa paghilig ng ulo niya sa dibdib nito.

"How long have you been here?" Dwaye asked after a few minutes of being silent.

"I don't know. Five hours? Six? I can't tell. I don't even know what is the time now."

"It's around five in the morning."

"Why are we here, Dwaye? Bakit pati ako nandito?" Humina ang boses niya, nakaramdam ng pagod at antok.

"I don't know yet why you're here. You shouldn't be here."

"Kinuha nila ako sa bahay. Tinangka kong takasan sila pero nabigo ako, marami sila, Dwaye. Tommy Herrera is here, too."

"He's here?" She could almost hear the anger on his voice. "That coward."

"Gusto ko lang malaman mo ang sinabi niya sa'kin."

"What is it?" He seems so eager to know the reason.

"I'm here because he will use me as a bait to catch you. Now that you're here, what's next? Papahirapan niya tayo? Ako? Ikaw?"

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon