13 ~ Possessive + Territorial

344K 8.8K 3.9K
                                    




CHAPTER THIRTEEN

THAT WAS very hot and intense!

Jess thought after a memory of her and Dwaye in bed flashed her mind. Their hot and wild encountered was very clear on her mind, but most of their conversation, o kung may napag-usapan man sila tungkol sa isa't-isa, o sa bagay-bagay ay hindi na malinaw sa kanya.

She was too high that time that she can't remember most of it. Ilang beses at paulit-ulit na may nangyari sa kanila ni Dwaye nung araw na iyon.

Kaya hindi na siya nagtaka pa kung bakit makalipas ang ilang linggo ay nadiskubre niyang buntis siya... and that was the time she escaped. She chose to live her life, alone, and away from the man who broke her heart.

Even if she was drugged, she knew deep inside that she gave herself to him with all her heart.

Ang drogang 'yon ay tila naging daan pa para maibigay niya ang sarili kay Dwaye nang walang takot at hiya, kahit pa sa huli ay sakit lang sa puso ang natamo niya.

"Jessielyn? Hello?"

Napakurap siya nang mag waved sa harap niya si Mylene. Her friend lifted her one eyebrow at her. Napailing nalang siya, ibinalik ang isipan niya sa kasalukuyan.

"Aalis na po ang boy-fend ko Mama ko." Sa boses ni Atasha ay mas lalo siyang nahimasmasan.

Jess looked down at her daughter in front of her. Daye small hands were above her lap.

Slowly, Jess eyes went to the man who was standing near the door of her house, Dwaye was watching them carefully.

Napalunok siya sa mabilis na pagdaan ulit ng imahe nila ni Dwaye na kapwa hubad at namamawis sa ibabaw ng kama, sabik na inaangkin ang isa't-isa.

"Peyo babalik din po siya sa isang bukas..." Dagdag pa ng anak niya at itinaas sa kanya ang maliliit na daliri. "Dalawang tulog pa po, Mama. Ganito ohh..." At hirap na itinaas ang dalawang daliri. Nilingon nito si Dwaye. "Di ba my boy-fend?"

Dwaye nodded his head once. "Yes."

Pilit siyang ngumiti sa anak. "Okay."

Malikot na lumayo sa kanya si Atasha at bumalik kay Dwaye, tiningala ito sabay hawi sa buhok na tumabing sa mukha.

"Hayy..." Mylene sighed beside her. Pagtingin niya sa kaibigan ay parang nangangarap na nakatingin ito sa mag ama. "Ang cute cute talaga nilang dalawa pagmasdan..."

She pinched Myle's waist to stop her. Napaigtad lang ito tapos ay sumimangot sa kanya.

"Dito ka ulit matutulog sa isang bukas my boy-fend?" Inosenteng tanong ni Atasha.

Dwaye squatted in front of her and caress her daughter's cheek gently.

"I'd love to."

"Kung pwede lang?" Pilit pa ng anak, her voice was hoping.

Dwaye pinched Atasha's cheek lightly then he smiled at her. He's very fond with her daughter...or she must say, their daughter.

"Hindi naman kita kayang tiisin."

Umaliwalas ang mukha ng anak niya tapos ay ngitian ng matamis ang ama.

"Sana all..." Mylene whispered dreamily beside her.

"Kaya...dito ka ulit ha? We will sleep togethe-y again?"

Dwaye took a glance at her, napaupo siya ng tuwid bigla. There's nothing on his eyes but hope... hoping that she would let him sleep again in their house.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon