8 ~ Contented

272K 8.6K 4.2K
                                    




CHAPTER EIGHT

KUNG PAANONG napapayag si Jessielyn ni Dwaye na matulog sa bahay nila nang gabing 'yon, ay hindi niya na rin alam. Dahil ba sa masama ang panahon? O dahil sa magpahanggang ngayon ay nahihirapan parin siyang tanggihan ang lalaki?

"Are you going to sleep here tonight, my boy-fend?" Atasha asked with the hint of excitement on her voice. Ang mga mata ng anak ay kumukislap.

Dwaye crouched his head on the side, looking down at Atasha.

"Yes, since the weather is still bad."

"Yes! Yes! We will sleep together!" Tumalon-talon ang anak.

Napanguso si Jess, naiisip niyang mali ang naging desisyon na patulugin sa bahay nila si Dwaye, pero ang larawan ng kasiyahan sa mukha ni Atasha ay nagsasabi sa kanya na hindi mali ang desisyon niyang 'yon...dahil hanggat nakikita niyang masaya ang anak, kahit anong desisyon pa ang gawin niya sa buhay ay magiging tama para sa kanya.

Her daughter's happiness is her happiness, too. Na minsan naisip niyang umamin nalang, sabihin nalang ang totoo, kahit na masakit iyon para sa kanya, but her mind was stopping her to reveal the truth.

Ano nga ba talaga ang nangingibabaw sa kanya? Ang kasiyahan ng anak o ang itinatagong lihim na sakit nang nakaraan? Na siyang pumipigil sa kanya na itago ang katotohanan.

"Let's go to our room, my boy-fend."

Napakurap si Jess mula sa malalim na pag-iisip. Nadatnan niyang hatak-hatak na ni Atasha si Dwaye papunta sa hagdan.

Napahilot siya sa sintido at bigo na napabuntong hininga. Hindi na nga mapipigilan pa ang unang gabi na magkakasama silang tatlong matulog sa iisang kama.

SA LOOB ng shower room ay hindi na mapakali si Jess. Dwaye and Atasha are waiting for her in bed, kung ang anak niya lang ay ayos lang, pero ibang usapan na kapag si Dwaye!

"Kung pwede lang pauwiin...pwede naman talaga..." She murmured to herself while combing her wet hair. "...kung titila ang ulan."

Bakit nga ba siya hindi mapakali? Ano nga ba ang iniisip niya? Her dirty thoughts about her and Dwaye in one room making her feel disgusted to herself!

"Uh," gigil na sinuklay niya ang buhok na para bang iminumulat siya sa kasalukuyan. Ang mahalay na pag-iisip ay isinantabi na.

"Mama, Mama..." Katok sa pinto ang nagpahinto sa kanya sa pag-iisip.

"Y-Yes, anak?"

"We are waiting for you before going to sleep. Are you done, Mama?"

"Almost."

"Nagpapaganda ka pa?"

Napangiwi siya at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin. She's wearing a lose shirt and short cotton shorts, her hair is a bit wet. She can smell the fragrance of her hair and the lotion she put in her body.

"H-Hindi, ha. Hindi ako nagpapaganda."

"Ba't ang tagal mo, Mama?"

"Tapos na ako. Lalabas na ako."

Mabilis na inilapag niya ang suklay at muling pinasadahan ang sarili sa salamin, bago binuksan ang pinto.

"You smell good." Ani ng anak tapos ay yumakap sa binti niya.

"Ikaw din naman." Inamoy niya ang ibabaw ng ulo nito. "Ang bango bango ng baby ko."

"My boy-fend said that to me."

The moment Atasha mentioned her boy-fend, Jess eyes automatically darted to a man who's sitting in the couch, watching them with his serious eyes. At nang tumayo ito ay tila nag panic siya, hindi na maintindihan ang nararamdaman.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Where stories live. Discover now