29 ~ His Life

316K 8.1K 4.4K
                                    



CHAPTER TWENTY NINE

IMINULAT NI Jess ang mga mata para lamang salubungin ng magandang tanawin sa harap. The beauty of Isla Fuentes never failed to amazed her. Tumama sa mukha niya ang magaan na sikat ng araw. Ang manipis at puting kurtina na nagtatabing sa hinihigaan ay hinahangin-hangin pa.

"Mama!" Tili ni Atasha ang tuluyang nagpagising sa kanya.

Mabilis siyang bumangon at nakita na excited na tumatakbo palapit sa kanya ang anak. Sa likod nito ay ang asawa niya.

Asawa niya.

Sobrang bago palang sa kanya ng mga salitang 'yon, parang ngang hindi pa talaga tumatatak sa isip niya na kasal na nga talaga sila ni Dwaye, kung hindi pa siya susulyap sa singsing sa kanyang daliri.

"Anak ko." Sinalubong niya ang pagyakap ni Daye.

She missed her daughter so much. Seeing her right now, really made her happy.

"Mama, miss ka Atasha Daye." Tapos ay mas lalong humigpit ang yakap sa kanya.

"Miss rin kita, anak. Sino ang kasama mo magpunta rito?"

"Ninong pogi, po. Sakay kami helicopte-y ulit."

Nag-angat siya ng tingin kay Dwaye na malamlam ang mga mata na pinapanood sila ni Atasha sa lambingan nilang mag ina. Sigurado, ito ang may pakana ng hindi niya inaasahang pagdating ng anak.

"It's a suy-pays, Mama." Daye added.

"Ano nga ulit 'yung nilaro niyo ni Zyron, anak?" Si Dwaye na tumabi ng upo sa kanila.

Nakakandong sa kanya si Atasha. Nagkasya silang tatlo sa malaking bilog na upuang rattan.

"Daddy daddy at baby baby po."

Napatingin siya kay Dwaye na naiiling na lang.

"Tapos?" Curious niyang tanong. "Sino 'yung mommy?"

"Yung babae po, do'n o, Mama." Turo ng anak sa malaking bahay. "Yung maganda, katulad Atasha Daye, maganda."

Natawa si Jess. Ayos din talaga ang kompyansa nitong anak niya. Sanay kasi na palaging nasasabihan ng maganda kaya talagang pinanindigan na.

"Anong kalokohan na naman ang ginawa ng kaibigan mo?" Tanong niya kay Dwaye. "Kinuntiyaba pa itong anak natin."

"Wala 'yon, nagpapaselos lang. Hindi naman yata tumalab."

Nagets niya kaagad ang sinabi ng asawa. Mukhang type ni Zyron ang magandang apo ni Rosita.

"Gusto niya 'yung babae?"

Kibit ng balikat lang ang isinagot sa kanya ni Dwaye. Ayaw kompirmahin ang tanong niya. Hinayaan niya na lang rin.

"Where do you want to go next?" Dwaye asked her after a few moment. "You want to go back to Manila? O sa resort muna pansamantala?"

"Aalis na tayo dito?"

"Yeah, we are done here. Sila Zyron naman." He winked at her playfully.

"I want to visit Alexza. Dun nalang muna tayo."

"Pwede na rin na do'n tayo tumira, kung gusto mo."

The offer was tempting. Pwede rin naman dahil masarap manirahan malapit sa dagat. Payapa at tahimik ang buhay. Ngayon na may pamilya na siya, kailangan ay mapag-usapan na nga talaga nila ni Dwaye ang mga bagay bagay na may kinalaman sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

"I like the beach, daddy." Si Atasha na itinaas pa ang kamay.

"Gusto mo talaga?" Aniya sa anak at inayos ang buhok nito na nagugulo dahil sa hangin.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon