16 ~ Feelings (SPG)

322K 7.5K 2.9K
                                    



CHAPTER SIXTEEN

HINDI pa talaga siya nagbabago. Jess thought bitterly.

She admit that her heart hurt knowing that Dwaye was with other woman. He's single and it's normal to him having a women around him. She should get used to it! Right?! Hindi na talaga siya matuto-tuto na babaero talaga ang gago!

Kaya tuloy ay mas lalo siyang nagkakaro'n ng dahilan para hindi ipaalam dito ang tungkol kay Atasha. Kung nasasaktan siya sa ginagawa ni Dwaye, alam niyang gano'n din ang anak nila.

Naaawa na hinaplos niya ang buhok ni Daye na nakatulog nalang kakaiyak, masama ang loob sa ama.

"I'm sorry, anak." She whispered. "Because your Papa's like that. Akala ko pa naman ay unti-unti na siyang nagbabago, 'yon pala ay may itinatago pa rin siyang babae." Mapait ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. "Ako sanay na, pero ikaw, hindi. Alam kong masakit ang nalaman mo, ako rin naman nasaktan, mas doble 'yung sakit sa'kin, anak, dahil mahirap para sa'kin na makita kang nasasaktan niya."

Humugot ng hangin sa dibdib si Jess, kahit man lang sa pamamagitan niyon ay gumaan naman ang pakiramdam niya.

"Hayaan mo, gagawin ni Mama ang lahat para hindi ka na niya masaktan...at para...hindi niya na rin ako masaktan ng paulit-ulit." Hinalikan niya sa noo ang anak bago humiga sa tabi nito.

Jess turned off the lamp shade at the side table. Then she stare at the blank ceiling, remembering those pleasurable and sweet memories she had with Dwaye.

JESSIELYN giggled when Dwaye carry her in a bridal style and walked towards the only bathroom in that room.

Nanlalagkit na ang katawan niya dahil sa pawis, kaya inaya niya si Dwaye na maligo matapos ang ilang beses na pagtatalik.

Maingat na ibinaba siya ng binata sa malamig na tiled floor. Nanatiling nakayakap ang mga braso niya sa leeg nito, ayaw kumalas.

"Hmm," he pursed his lips. Mapungay pa rin ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Ramdam ni Jess ang tila unti-unting pagpawi ng tama ng droga sa kanya. Hindi na gano'n katindi ang init at pagnanasa niya. Wala rin siya ideya kung ilang oras na ba ang lumipas.

"I think I can control myself now." Pag-amin niya kahit hindi naman pa sigurado talaga. Nabawasan lang talaga ang pag-iinit niya.

"You need to sleep." Instead, he said that. Marahan na hinawi nito ang ilang pirasong buhok na tumabing sa kanyang pisngi. "You will need some energy after all these."

"Ikaw din. Kailangan mong matulog."

"Hindi ko yata kayang matulog kapag ganito ang sitwasyon natin, Jess. I need to do something for you to get out of here. Sa ngayon, ikaw at ang kaligtasan mo ang mahalaga para sa'kin. You're my number one priority here."

Napangiti siya, hindi na itinago pa ang sayang naramdaman dahil sa narinig. It wasn't not the right place to feel like that, but hell, it was a first time hearing him saying that words!

"Salamat, Dwaye." May sensiridad sa boses niya. "Pasensya ka na kung nagsungit ako sa'yo kanina, ngayon ko lang naisip na dapat ay nagtutulungan tayo kesa nag-aaway."

"Sanay na ako sa mga pagsusungit mo sa'kin. It's not a big deal."

His thumb found her lips then he caressed it using it. Lihim siyang napalunok sa ginagawa nito.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon