Chapter o1: The Beginning

3.6K 71 2
                                    

• • •

"Bella, kinakabahan talaga ako sa mangyayari sa iyo doon eh? Talaga bang tutuloy ka?"
Pag aalalang tanong sa akin ng Tita ko habang pinagmamasdan niya akong nag iimpake ng mga damit.

"Opo Tita bilang Anghel kailangan kong makapasok sa Heaven's University"

"Pero Hija alam mo na namang may kapansanan ka. Hindi ka nila maintindihan kukutyain ka lang nila dahil sa iba ang kulay ng balahibo mo"

"Tita, wala pong kahit sinong makakaalam nito. Hindi naman po required magpalabas ng pakpak doon eh kaya ayos lang po"

Sagot ko sa kanya sabay hawak ko sa kanyang kamay para mapanatag naman ang loob niya.

Napa buntong hininga siya at agad akong niyakap.

"Kung ganon mag iingat ka nalang hija. Wag mo sana ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. Okay?"

"Opo Tita hindi po. Salamat po sa inyong pag aalala sa akin. Aalis na po ako"

Paalam ko. Tumango naman din siya at inihatid na ako sa labas ng bahay dala ang mga bagahi ko.

Nagyakapan ulit kami hanggang sa humiwalay na ako at naglakad palayo. Bago ako umalis kumaway muna ako kay Tita hanggang sa kunin na ako ng liwanag galing sa taas at naglaho din ako agad kasabay ng liwanag.

Dinala ako ng liwanag sa isang napaka gandang lugar kung saan nakatayo ang napakalaking turi ng kastelyo.

Nakalutang ito sa ulap at ang parte ng kastelyong ito ay may mga puno at mga halaman meron ding water falls na bumabagsak sa kumikinang at nag kikislapang tubig. Pag tumingin ka kasi sa baba ulap agad ang bubungad sayo. Hindi mo malaman kung ano iyong nasa baba dahil sa kapal ng ulap.

Marami ng estudyanteng Anghel sa paligid ko na kadadating lang rin. Kasalukuyang nasa isang mahaba at sementadong hallway kami at ang maapakan mo dito papunta sa malaking gate ng kastelyo nila ay mga bricks. Mababasa mo naman din sa itaas ang pangalan ng school na Heaven's University.

Napupuno ng pagkamangha ang reaction ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Ilang sandali din naagaw na lamang ang atensyon naming lahat sa ingay ng pagbukas ng dambuhalang gate dahilan ng napalingon kaming lahat sa dereksyong iyon.

"Maligayang pagdating mga Anghel, makakapasok na kayo"

Sabi ng matandang lalaki na naka puting damit pang Anghel.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now