Chapter 11: My Savior

829 28 0
                                    

»»»

"Kung ganun bakit hindi ako pwedeng maka apak sa kaharian ng Diyos?"
Takang tanong ko sa kanya. Tinignan nya naman din ako ng masinsinan sa mga mata bago sya nagsalita.

"Dahil bawal ang magpanggap sa kaharian NIYA Bella, ang totoong pakpak mo, kailangang ikaw talaga. Dahil sa kwentas mo iyan kaya hindi ka pwedeng maka apak sa kaharian ng Diyos. Sinusunog NIYA ang mga ayaw niya pagdating sa makasalanang gawain"
Pagpapaliwanag niya sa akin. Napa tahimik naman din ako at napahawak sa aking kwentas.

"Wag kang mag alala Bella, hindi kita pababayaan"
Sabi sa akin ni Chase sabay hawak sa aking isang balikat. Tinignan ko lang siya tyaka ako tumango at nagpasalamat.

Nag usap lang kami ng mga ibang bagay na gusto ipaalam sa akin ni Chase. Hanggang sa naintindihan ko na ang lahat.

Hapon na ng inihatid ako ni Chase sa dorm namin ni Sky.

"Bukas ulit Bella"
Nakangiting sabi ni Chase sa akin. Nang maihatid niya ako sa harap ng pintuan.

"Sige, Chase"
Tugon ko din at ngumiti din sa kanya. Nang makaalis na siya tumalikod na ako para buksan ang pinto.

Nang mabuksan ko na ito nagulat na lamang akong may humilang kamay sa akin papasok at tinulak ako agad sa pader.

Nang tignan ko kung sino ang gumawa nakita ko sa harap ko si Sky na seryosong nakatingin sa akin.

"Saan ka nanggaling"
Tanong niya sa malamig na tuno. Ramdam ko ang takot sa dibdib ko sa aurang nararamdaman ko pag tinitignan si Sky.

"Sky, kasi..."
Hindi ako makapagsalita ng maayos at naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Sumagot ka sinabi na ba lahat sayo ng lalaking iyon ang tungkol sayo Bella?"
Naka kunot noong tanong niya sa akin. Bigla naman akong nagulat at hindi makapaniwala sa kanya.

"Sky paano?"

"Dahil nakita ko kayo! Hindi niyo ba alam na marami ng demonyo sa paaralang ito. Mas matalas ang pandinig nila kisa sa mga anghel na katulad niyo. Kaya ikaw mag iingat ka dahil ngayon nasa kapahamakan kana simula ngayon"
Sabi niya sa akin at umalis bigla sa harapan ko para pumasok na sa kanyang kwarto. Napa upo nalang ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.

Bigla ko naman din agad naalala ang sinabi kanina sa akin ni Chase.

"Tandaan mo Bella, hanggat nakasuot iyang kwentas mo pwedeng kang lapitan ng mga demonyo. Kaya mag iingat ka. Hindi natin pwedeng hubarin yan dahil hindi pa ito alam ng mga anghel. Baka sabihin nila anak ka ni Satan dahil sa katulad mo dati ang pakpak niya at sigurado tatawagin ka nilang demonyo"

Kinabukasan...

Tulala akong pumasok sa classroom namin. Hindi na ako maka pag isip ng maayos dahil pakiramdam ko lahat ng nasa paligid ko'y kinatatakutan ko na.

Mga anghel pati na ang mga demonyo. Lahat pala sila ayaw nila sa akin, lahat sila gusto nila akong patayin.

Bakit? Dahil ba sa nanalaytay sa akin ang dugo ni Lucifer? Ang unang anghel na nagtaksil sa Diyos? Dahil ba doon kailangan ko ding mawala sa langit?.

Pati din naman sa empyerno ayaw din sa akin dahil sa propesiyang nakatatak nasa tadhana ko.

Napasinghot ako sa mga iniisip ko. Nalulungkot ako na parang gusto ko ng umiyak.

"Bella? Okay ka lang ba?"
Napalingon ako sa nagtanong sa akin tapos ay agad akong napatayo.

"Sir, sorry po"
Sabi ko. Napatayo din si Mika sa tabi ko.

"Sir parang may napapansin po ako kay Bella"
Sabi ni Mika sabay tingin sa akin na nakataas kilay. Kinakabahan naman din ako sa kung anong sasabihin niya.

"Ano iyon Mika"

"Oh? Well Sir, parang wala sya sa condition ngayon. I think she's sick. Can i insist her in hospital?"
Dahil sa sinabi ni Mika nagulat na lamang ako.

"Mika, hindi na. Ayos lang ako hindi naman masama ang pakiramdam ko"
Sabi ko sa kanya. Inirapan niya naman ako at hinarap.

"Then your not. Look oh, lalo kang pumapangit and that's because your sick. So come with me and don't you dare say anything"
Turo niya sa pagmumukha ko at hinila na ako palabas ng classroom.

"Mika tika kaya kung maglakad wag mo na akong hilahin"
Sabi ko sa kanya di naman din sya natinag at parang walang narinig.

"Mika nasasaktan na ako. Bitawan mo na ako sabi"
Sabi ko ulit pero sa pagkakataong ito nagulat na lamang akong malakas niya akong sinampal sa pisngi.

"Would you please shut up! Ang ingay mo. Gush!"
Naiirita niyang sabi. Napahawak na lamang ako sa pisngi ko habang hindi makapaniwala sa kanya.

"Mika bakit mo ko sinampal?"
Tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako ng mataray na tingin.

"Kailangan ko pa bang sagutin? Will it's because i fvcking hate you! You stole my prince!"
Galit na galit niyang sabi sa akin at sinabunutan ako.

"Mika tama na, ano bang pinagsasabi mo bitawan mo ako"
Nasasaktan kong sabi na pilit hinahawakan ang kamay nyang nasa buhok ko.

Tinulak niya ako ng malakas sa pader dahilan ng sumakit ang likod ko.

"You pissed of shit. Inagaw mo ang gusto ko. Did you think he would totally fall for you a little?"
Pasingkit na matang tanong niya sa akin sabay piga niya sa mga pisngi ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo"
Nahihirapan kong sabi sa kanya.

"Talagang wala kang alam at dahil wala kang alam tikman mo ito!"

Sabi niya sabay taas ng kanyang isang kamay para sampalin na naman ako. Napapikit nalang ako sa takot at hindi na makapalag sa gagawin niya sa akin.

Ilang minuto akong nakapikit kahit isang sampal wala akong naramdaman na sakit sa aking pisngi.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakitang may pumigil sa kamay ni Mika.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kanya, huh Mika?"
Nakakatakot na busis galing sa isang lalaking pumigil sa kamay ni Mika.

Nang tignan ko ito natakot agad ako sa aking nakita.

Si Sky, napupuno ng galit at kadiliman sa paligid niya. Masama ang tingin nito kay Mika at pakiramdam ko nagbago ang kulay ng mata.

Parang naging kulay pula ito.

Tika hindi imahinasyon ko lang pala.
Napa pikit nalang ako at napa iling na muling tinignan si Sky.

Itinulak ni Sky palayo sa akin si Mika.

"Subukan mong suwayin ako Mika, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin"
Malamig na sabi ni Sky. Napatayo si Mika sa pagkakatumba nya sa ginawa ni Sky.

"Hangal ka! Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin!"
Galit na sigaw ni Mika at tumakbo na ito palayo.

Napatingin sa akin si Sky at inabutan ako ng kamay na hinawakan ko din naman.

"Namumula ang pisngi mo. Masakit ba?"
Tanong niya sa akin na may halong pag aalala.
Napakurap ako ng ilang bisis dahil magkalapit ngayon ang mga mukha namin.

"Ayos lang ako"
Nakatulala kong sagot habang naka titig sa mga mata niya. Napatingin naman din ang mga mata niya sa mga mata ko at may sinabi.

"Akin ka lang, Bella"
Bulong niya sabay haplos sa pingi ko at unti-unti ng lumapit ang mga labi niya sa mga labi ko na kinagulat ko.






° ° °
To be  continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now