Chapter o6: Disappointed to Sky

1.1K 28 0
                                    

• • •
Nagising akong nasa hospital na ako ng university. Ako lang mag isa na tao sa loob ng kwarto.

Hinawakan ko yung ulo ko na may binda at naramdaman agad ang pagkirot ng sugat.

Gaano ba kalala itong sugat ko sa ulo at nawalan na lamang ako ng malay?.

Napababa na lamang ako sa kamay ko ng may nagbukas ng pinto at bumungad agad si Chase na alalang-ala.

"Bella, ayos ka na ba? Masakit pa ba ang ulo mo? Sabihin mo, ipapatawag ko ulit ang doctor para sayo"
Sabi niya sa akin pagkalapit nya sa kinahihigaan kong hospital bed.

"Wag na Chase, oo ayos na ako. Ano na bang nangyari kanina ng mawalan ako ng malay?"
Tanong ko. Bago ako sagutin ni Chase umupo muna sya sa tabi ko at nagsimula ng mag kwento sa nangyari kanina.

"Nang mawalan ka ng malay lahat kami nagulat sa nangyari sayo. Nalaman naming malubha ang kalagayan mo at bali pa iyong mga pakpak mo"
Nang sinabi iyon ni Chase agad akong napa hawak sa likod ko.

Nang maalala ko naman, bigla din ako nakaramdam ng subrang sakit. Dahilan ng agad ako inalalayan ni Chase.

"Wag ka masyadong gumalaw hindi pa masyado magaling ang pakpak mo. Nang malaman nga namin iyon dinala ka na agad namin dito para mapagamot ka. Habang si Mika naman agad na lamang tumakbo palayo pagkatapos ng nangyari. Pilit na nga syang tinatawag ni Sky pero ayaw makinig hanggang sa nakalayo ito"
Pagpapatuloy na kwento nya.

"Eh? Nasaan na nga ba si Sky?"
Takang tanong ko. Napakunot noo naman bigla si Chase sa sinabi ko at agad akong tinignan maigi.

"Bakit mo naman hinahanap ang anghel na iyon? Parang wala naman ata syang pake alam sayo. Nang may nangyari sayo nakatulala nga lang iyon at maya-maya'y tinawag si Mika"
Nakasimangot na sabi niya. Tumahimik na lamang ako at napatanong din sa isip kong bakit iyon nalang lumabas sa bibig ko.

Oo nga naman, bakit ko ba hinahanap ang anghel na iyon maliban sa ka room mate ko siya at siya lang ang anghel na una kong naging kaibigan.

Talaga bang wala syang pake alam kanina sa nangyari sa akin? Akala ko pa naman close na talaga kami.

Sa pag-iisip ko ng malalim at sa kakatitig sa akin ni Chase. Pariho kaming napa lingon sa nagbukas ng pintuan.

Akala ko si Sky na. Si Sky na bibisitahin ako at kukumustahin kung ano na ang kalagayan ko.

Pero ang sakit pala umasa. Dahil ang doctor lang pala iyon.

"Hija, kamusta kana? Ayos na ba ang paakiramdam mo?"
Tanong niya sa akin pagkalapit nya. Tumango lamang ako bilang sagot. Chineck nya lang ako tapos pinainom na ng green potion para magpahilom ng mga sugat ko. Ilang sandali sa pagkunsulta niya sa akin ay umalis na rin siya.

Napansin kong tinitigan ulit ako ni Chase kaya napalingon ako sa kanya.

"Ahm, Chase bakit?"
Naiilang kong tanong.

"Bella, alam ko iyang iniisip mo. Kung umaasa kang bibisitahin ka niya rito. Wag mong dibdibin. Hindi mo naman masisiguradong pupunta dito iyong anghel na iyon"
Simpleng sagot niya sa akin. Nagbuntong hininga na lamang ako at tumango sa kanya.

Matapos ang usapan naming iyon pinahiga na din niya ulit ako ni Chase sa kama para makapagpahinga. Tyaka na din sya nagpaalam sa akin na aalis muna sya.

*Someone's POV*

Nasa isang eskeneta kami ng university kung saan walang mga anghel ang pumupunta rito.

"Ano ba ang kahibangang ginagawa mo! Talaga bang sinusunod mo ako bilang prinsepe! Diba, sabi ko sayong wag mo muna syang galawin hangga't hindi ko pa sinasabi!"
Galit na galit kong singhal sa kanya. Sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Mahal na prinsepe, nakakalimutan niyo atang sa reyna at hari ako sumusunod at hindi sa inyo. Kaya kung ano man ang gustuhin ko gagawin ko sa anghel na iyon. Kaya ka nga pinapasok ng mga magulang mo at sirain ang barrier sa pagitan ng mga mundo natin dahil ang pakay natin dito ay patayin ang itinakda hindi ang makipag kaibigan sa kanya!"

Nang marinig ko ang sagot nya automatic-kong napakuyom na lamang ako ng kamao sa inis.

"Ano mahal na prinsepe. Tama ba ako?"
Pang-aasar niya. Sinaaman ko siya ng tingin.

"Lumayas ka sa harapan ko. Bago pa lumabas ang sungay ko at mapatay kita"
Matigas at nag gagalaiti kung utos sa kanya. Napa ngisi na lamang siya.

"Tandaan mo prinsepe pag hinadlangan mo ang lahat ng plano ng lahi natin. Alam mo na ang mangyayari"
Huling sambit niya bago siya umalis at naglaho sa dilim ng parte ng eskinita.

Nag-iinit ang ulo ko. Nang makilala ko si Bella, alam kong hindi madali ang mesyon kong ito. Pero ano nga ba ang magagawa ko kailangan ko na syang ligpitin bago ako maunahan ng demonyang iyon.

"Mali ka ng inaakala, dahil nag pa-plano na din ako sa gagawin ko sa kanya"
Sabi ko sa sarili bago ako naglakad paalis ng eskenitang iyon.

"Hintayin niyo lang mapapatay ko din siya"

*Bella's POV*

Gabi na at sa hospital na nga ako natulog dahil bukas pa daw ako gagaling sabi ng doctor kanina.

Habang mahimbing akong natutulog. Naramdaman kong may kung anong ingay sa tabi ko dahilan ng agad akong napamulat ng mata tyaka nagulat sa nakita dahil may nilalang ang nasa tabi ko.

Anino lamang ang nakikita ko kaya natakot ako. Napansin kong may hawak sya at kuminang iyon dahil sa sinag ng buwan.

Parang isa iyong patalim na subrang talas. Tika! Anong gagawin niya, papatayin niya ba ako?.

"S-sino ka? Anong gagawin mo sakin"
Kinakabahan kong tanong. Pansin kong napatigil siya. Subrang takot na takot ako.

Hindi sya gumalaw sa kinatatayuan niya hanggang sa ibinaba niya na ang patalim na hawak nya at napa atras palayo sa akin at agad ng naglaho na parang bula sa hangin.

Napayakap na lamang ako. Dahil sa pangyayaring iyon hindi na ako nakatulog.

*Someone's POV*

Naibato ko na lamang ang patalim na hawak ko at napasigaw sa inis dahil sa nangyari kanina.

"Bella, bakit! Bakit hindi kita kayang patayin! Argh!"

Pagwawala ko at binato ang mga nahahawakan kong mga babasagin na gamit.

Dahilan ng magkalat ito sa sahig na agad ko ding tinunaw bilang abo gamit ang mga mata ko.

Tyaka napa buntong hininga. Na pinakalma ang sarili.

Nalilito na tuloy ako. Paano ko mapapatay si Bella sa ganitong kalagayan ko.
















° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon