Chapter 13: Demon's

801 23 0
                                    

»»»

*Someone's POV*

Nagmamadali akong naglalakad kung saan nagkukuta ang mga kasama kong demonyo sa loob ng University.

Bumaba ako sa hagdan ng basement at binuksan ang pintuan.

Hindi nga ako nagkakamali nandito silang lahat at pinalilibutan nila si Bella na walang malay at nakatali ang mga kamay at paa nito habang nakaupo ito sa silya.

"Anong ginagawa niyo huh?! Pakawalan niyo siya!"
Bungad kong sigaw dahilan ng napalingon silang lahat sa akin.

"At bakit naman namin gagawin iyon? Sa tingin mo ba hindi na kami nakakahalata sayo, mahal naming prensipe?"
Nakataas na kilay na sabi ng halos kakilala kong babae.

"Ano bang pinagsasabi mo. Diba sabi kong tahimik natin syang papatayin. Kinuha ko lang ang loob niya para madali ko lang syang mapatay. Ano ba kayo! Sinira niyo lang ang mga plano ko!"
Galit na sigaw ko sa kanilang lahat.

"Iyon ba talaga mahal na prensipe? O baka naman unti-unti ng nahuhulog ang loob mo sa kanya. Kaya hanggang ngayon wala ka paring nagagawa?"
Sabi ng isang kasamahan namin dito sa loob.

Sinamaan ko siya ng tingin at dahil sa init ng ulo ko ay agad akong lumapit sa kanya at bigla syang pinatay ng walang kahirap-hirap.

Napaatras silang lahat sa nakita at napatahimik nalang habang nakayuko ang mga ulo.

"Lapastangan kayong lahat! At anong karapatan niyong sabihin sa akin iyan! Kaya ko syang patayin kahit harap-harapan pa sa inyong lahat"
Sigaw ko sa galit habang namumula na ang kulay ng mga mata at nakalabas na ang mga sungay ko sa noo.

Napangisi sila.

"Kung ganun gawin mo na mahal na prensipe kung talagang mapagkakatiwalaan ka at isa ka parin ba talaga sa amin"
Sabi ng isa sa mga demonyo na may ngisi din sa labi.

Tumabi silang lahat at pinakita nila sa akin si Bella na nasa likuran nila.

Nang makita ko sya biglang umurong ang galit ko at agad nalang nakaramdam ng pag aalala.

Napakuyom ako ng kamao at napatingin sa mga kasama kong naghihintay sa gagawin ko.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito?.

Kahit nanginginig na ang katawan ko sa gagawin ko ay hindi ko ito pinahalata sa mga kasama ko.

Binigyan ako ng matulis na patalim ng isa sa mga demonyo na ipangsasaksak ko na ngayon kay Bella.

Ngayong magkalapit na kaming dalawa unti-unti ko ng itinaas ang kamay ko na may hawak na isang patalim.

"Bella, patawarin mo ko"
Bulong ko sa walang malay na si Bella.

"Ano pang ginagawa mo mahal na prensipe isaksak mo na iyan sa kanya!"
Naaatat na sabi ng isa sa mga demonyo. Nagbagang ang mga ngipin ko sa narinig at hinarap siya.

"At anong karapatan mong utusan ako! Gusto mong ikaw muna ang patayin ko!"
Galit na sigaw ko. Napatahimik sya at umurong habang nakayuko na ang ulo.

"Patawarin niyo po ako"
Natatakot na sabi niya napangisi ako.

"No mercy for you"
Sagot ko at gamit ang mga mata ginawa ko syang abo.

Tinignan ko ang mga demonyo.

"Subukan nyo akong kuntrahin at ganyan ang aabutin niyo sakin!"
Sabi ko. Pero nawala nalang ang galit ko ng marinig ko ang isang malumanay na busis.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat