Chapter o4: Demon Prince

1.3K 38 1
                                    

• • •
Matapos ang lahat ng klase namin ngayong araw nakauwi na ako sa dorm. Ako lang mag isa ang umuwi dahil hindi ko alam kung saan na nagpunta si Sky matapos ang huling klase namin.

Pumasok ako sa kwarto ko at mabilis na nag shower sa banyo. Habang nag s-shower ako nakalabas ang pakpak ko dahil kailangan ko din naman kasi itong linisin.

Habang nakatapat sa shower bigla ko namang naramdaman ang birthmark ko sa balikat. Tinignan ko ito habang namimilipit sa sakit. Kurting araw ito at hindi naman masyadong malaki.

Hindi ko alam kung bakit meron ako nito. Nang itanong ko naman ito kay Tita hindi naman siya sumasagot at iniiba agad ang usapan. Para bang may tinatago sa akin?.

Matapos kong mag shower ibinuka ko na ang kakaiba kong pakpak dahilan ng magtalsikan ang mga butil ng tubig galing sa pakpak ko. Hinubad ko kasi iyong kwentas ko kanina para hindi ito mabasa. Isa iyong makinis at maputing bato.

Kung sino man si Chase at bakit niya ako tinutulungan hindi ko pa alam ang sagot. Dahil estranghero parin siya para sa akin.

Itinago kuna ang pakpak ko at ipinulupot na ang tuwalya ko sa katawan at lumabas agad ng banyo para mag bihis. Matapos mag bihis at makapag ayos lumabas na din ako ng kwarto para sana maghanda ng pagkain sa hapunan.

Sakto din nangpalabas ako dumating na si Sky at deretsong pumunta sa sofa at umupo doon na parang pagod na pagod.

"Sky?"
Tawag ko sa kanya.

"Hm?"
Sagot niya na walang lingon-lingon sa akin.

"Saan ka nanggaling kanina pagkatapos ng klase?"
Hindi ko mapigilang tanong ko sa kanya.

"Wala. Naglibot-libot lang"
Tipid na sagot niya. Parang wala siya sa mood ngayon kaya hindi ko na siya inabala at naghanda nalang para sa hapunan namin.

Ilang minuto natapos na rin ako pero si Sky ganun parin at nakaupo parin sa sofa at malalim ang iniisip.

"Sky? May bumabagabag ba sayo?"
Tanong ko sa kanya. Umiling naman din siya at bigla nalang tumayo sa sofa at dumiritsong pumasok sa kanyang kwarto.

Ano kaya ang nangyari kay Sky at nagkaganun iyon?.

Kisa pasakitin ang ulo ko sa inaasta ngayon ni Sky pinili ko nalang mag handa para makakain na kami. Ilang sandali bumukas na ang pinto ni Sky at lumabas ng naka White V-neck Tshirt at black khaki short. Lumapit naman din siya ng tahimik sa gawi ko at pa simpleng tinulungan ako.

Kumain na din kami at tahimik lang kaming dalawa na ang ingay lang ng kubwertos ang nag iingay sa pagitan ng katahimikan namin ni Sky hanggang sa bigla syang nagsalita na medyo kinabigla ko.

"Saan galing yang kwentas mo"
Malamig na pagkakatanong niya. Napatingin naman ako sa suot kong kwentas at napahawak dito.

"Ah ito. Ibinigay lang ng isang kaibigan. Ang ganda nu?"
Sabi ko sa kanya. Hindi dapat malaman ni Sky na sa isang estranghero ko lang ito nakuha.

Iwan ko ba pero kailangan kong magsinungaling kay Sky. Sa hindi ko malamang dahilan.

"Ganun ba. Kung ganun wag mo yang iwawala at dapat lagi mo lang iyan suot kahit saan ka man magpunta lalo na't dilikado na sa panahon ngayon"
Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

Tinitigan ko lang si Sky at tumango na lamang ako sa kanya na pinagpatuloy ko ang pagkain.

Matapos naming kumain at maghugas ng pinagkainan pumasok na din kami agad ni Sky sa sariling mga kwarto namin.

Nakabukas lang ang kurtina ko pag gabi sa glass window dahil naka sirado naman ito kaya okay lang tyaka mas nakakatulog kasi ako pag may sinag ng buwan dahil takot ako sa dilim.

Bago ako makatulog naramdaman kong lumalabas ang pakpak ko hinayaan ko nalang dahil sa antok na antok na din ako.

• • •

*Someone's Pov*

Tahimik akong pumasok sa kwarto kung saan natutulog si Bella. Nilapitan ko sya at kitang-kita ko kung gaano kakinang at kaganda ang pakpak niya habang nasisinagan ng buwan.

Mahimbing lang syang natutulog habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Napansin ko ang balikat niya may marka siya ng light of darkness.

Dahan-dahan ko itong hinawakan pero nasaktan ako. I can't touch her with her wings were appear.

Isa akong demonyo but my wings are different to other devils. Kakaiba ako sa kanila. My left wings are black and my right wings are white. My parents are both demons and they are queen and king and im there son, a demon prince.

Ang totoo kung bakit nasira ang barrier nila dahil sa akin. Because i have a angel haft wings. Gusto sana ako ipapatay ng mga parents ko dahil sa pakpak ko pero may plano sila para sa akin at iyon ay ang makapasok sa Heaven's University at patayin ang itinakda at si Bella iyon.

Hindi pa ito alam ng ibang mga Anghel na dumating na siya. Kaya umaasa parin sila sa warrior angel sa senior year.

But they know they can't beat us dahil sa lumalakas na kami dahil sa mga kaluluwa na nakukuha namin at ang makakapigil lang sa amin ay ang nakatakda.

Napatingin ako sa bedside table niya at nakita doon ang kwentas. Kinuha ko ito at ingat na isinuot sa kanya. Pagkasuot ko unti-unti naman naging normal ang pakpak niya.

"You better wear this and be safe"
Sabi ko. Hahalikan ko sana sya sa forehead ng maramdaman kong naalimpungatan siya.

"S-sino ka?"
Inaantok na sabi niya. Bigla akong nataranta kaya nasambit ko ang salitang "sleep".

Matapos kong bigkasin iyon agad siyang napapikit at nakatulog ulit.

Napabuntong hininga ako.

"Muntikan na"
Sabi ko at napag pasyahan ng tumayo at lumabas sa kwarto ni Bella.

• • •

*Bella's Pov*

Nagising akong nagtataka. Paano nasuot ko 'tong kwentas eh hinubad ko ito kagabi.

Habang litong-lito ako may bigla namang kumatok sa labas ng pintuan ko. Kaya napaalis ako sa kama at lumapit sa pintuan para pagbuksan ang anghel na iyon.

Bumungad ang mukha ni Sky sa paningin ko. Nakaayos na siya, nakasuot na ng uniform.

Tinignan niya ako ulo hanggang paa at napasimangot.

"Hindi ka parin nakaligo? Akala ko pa naman nakaayos ka na. Hays! Maligu kana nga sabay na tayong pumasok. Hintayin kita sa living room"
Sabi niya sa akin nakatulala naman akong tumango sa kanya.

Talagang na w-weirduhan ako kay Sky. Napaka moody pala nitong anghel na ito.

Pero nakakapagtaka kisa umalis nakatitig lang siya ng seryoso sa akin. Dahilan ng nailang ako.

"Ahm~ maliligo na ako Sky"
Paalam ko sa kanya. Tumango lang naman siya at nagsalita muli.

"Wag kang masyadong matagal kakain ka pa"
Sabi niya at umalis na sa harapan ng pintuan ko at pumunta sa living room para doon mag hintay sa akin.

Napa ngiwi na lamang ako at mabilis ng kumilos para makaligo.
















• • •
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now