Chapter o9: No sorry

930 25 0
                                    

»»»

Kinabukasan, pumasok na din ako para mag-aral. Kahit hindi pa fully healed ang mga pakpak ko. Kailangan ko parin pumasok kasi ayaw ko naman na may nami-miss akong mga topic tungkol sa klase namin.

Pero itong si Sky galit ngayon sa akin dahil hindi pa daw ako fully healed ay nagmamatigas na ako at pilit na pumapasok ng school kahit na hindi pa talaga ako masyadong magaling.

Eh, ano naman ngayon sa kanya. Isa pa gusto ko naman talagang pumasok.

Ilang bisis na nga nya akong pinagsabihan na umuwi daw ako sa dorm namin para magpahinga kahit na nandito nako sa classroom namin.

Pero ayaw ko parin kasi kahit sinabi nya na iyon ng ilang ulit sa akin hindi ko sya talaga sinonod. Ano ba sya tatay ko? Like duh~ alam kong gawain na namin mag alala bilang mga anghel pero iyong awayin nya ako hindi namin gawain iyon.

Nakakapagtaka ngang may ganoong katangian si Sky na hindi naman ginagawa ng lahat ng mga katulad namin.

Pero bakit ko pa ba iisipin iyon? Sasakit lang ang ulo ko sa kanya at ano sya sini-swerte kailangan pang isipin.

Napalingon ako kay Chase, ngayon ko lang napansin na nakatingin din sya sa akin.

Pinilit ko nalang ngumiti sa kanya na tinugunan naman din niya ng matamis na ngiti tapos nag iwas na din ako ng tingin, kasi naiilang na din ako sa kaharap ko na si Mira na nagsusungit na na naman sa akin. Nakakahiya naman dito sa katabi ko. Hindi ko man lang agad napansin na nakaupo na pala sya sa tabi ko.

Pero naalala ko lang. May ginawa sya sa akin noong isang araw diba?. Pero bakit ngayong nasa harapan na nya ako wala man lang ba syang sasabihin sa akin? Like, sorry noong isang araw huh? Di ko sinasadya ang nangyari. Or simpleng, sorry nalang? Dahil mapapatawad ko naman din sya agad eh.

"Why are you starring at me bitch!"
Pataas na busis na sabi nya na may halong pagkasungit.

Nabigla naman din ako. Hindi sa pagsasalita nya kundi iyong sa huli nyang sinabi na pinagbabawal ng langit.

"Anghel ka ba talaga?"
Hindi ko mapigilang tanong ko sa kanya. Bago nya ako sagutin nagtaas muna sya ng kilay at humarap sa akin.

"What if, I tell you that I'm not"
Nakangising sabi nya.

Nagulat naman din ako sa sagot niya. So, ibig sabihin ba nun demonyo siya?. Pero, nakita kong puti ang mga pakpak nya.

Tinignan ko lang ng nakakunot noo si Mika. Hindi parin talaga ako sigurado. Paano kung niloloko nya lang talaga ako.

At paano din kung totoo.

"Kung hindi ka anghel, ibig sabihin demonyo ka?"
Tanong ko sa kanya. Mas lalong sumilay naman ang ngisi ni Mika.

"If I say yes what will you do now, Bella"

Hindi ako makapagsalita ano nga ba ang gagawin ko kung isa sya sa mga demonyong nandirito sa school.

"Kung totoo ka mang demonyo, gusto kong malaman kung anong ginagawa niyo rito"
Sagot ko sa kanya. Tinaasan nya muna ako ng kilay bago sya biglang tumawa.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now