Chapter o8: That warm breath

987 23 0
                                    

»»»

Nakarating din ako sa dorm. Agad kong sinarhan ang pintuan at mabilis na dumiritso sa sofa tyaka pabagsak na umupo doon habang malalim na napa buntong hininga.

Seriously, ano na bang nangyayari sa buhay ko. Nang dumating ako rito akala ko magiging maayos lang ang lahat pero mali pala.

Subrang maling-mali. Ito na ba ang sinasabi ng iba na Expected is Unexpected?.

Aish! Napa hilamos nalang ako sa mukha ko sa subrang frustration.

Biglang bumukas ang pinto dahilan ng mapalingon ako at nakita ko si Sky na pumasok.

Tumayo din ako agad sa kinauupuan ko na kinatingin ni Sky. Nang makita nya ako automatikong napatigil sya sa kinatatayuan nya habang nakatitig sa akin. Napansin ko din agad ang pamumula ng tenga at pisngi nya.

Na kinakunot ng noo ko.

Is he blushing or what?.

Pero kisa iyon ang isipin ko ang kaninang nangyari ang naalala ko na kinasama ko ng tingin sa kanya.

"Girlfriend pala huh"
Naka taas na kilay na sabi ko habang naka halokipkip ang mga kamay. Mabilis na umiwas ng tingin si Sky at halatang nahiya sa ginawa nya kanina.

"So? Kinilig ka naman"
Sabi nya sa akin. Na kinagulat ko.

What?! Ako kinilig? Nah no way. Why would i? Maliban sa subrang gwapo nya hindi naman ako totally kikiligin sa ganoong bagay.

"Excuse me, bakit naman ako kikiligin. Laos na kaya iyang banat mo na halos hindi na paniwalaan ni Chase. At isa pa kung ayaw mo akong ihatid ni Chase sabihin mo ng deretsahan wag pang sabihin na girlfriend mo ko. And how dare you to say that na girlfriend mo ko huh?!"
Sabi ko sa kanya sabay turo ko sa kanya.

Napa ismid sya at napasuklay sa dark violet nyang buhok.

"Ang dami mong daldal. Para malaman mo hindi ko gustong tawagin ka na girlfriend. Hindi kita type nu. Flat chested"
Sagot nya sa akin. Napa singhap ako.

"How dare you! I hate you Sky!"
Inis ko na sabi sa kanya. Ngayon alam ko na kung ano talaga ang ugali nya.

Gwapo lang sya napaka bastos naman ng bibig. Wala din. How come naging kaibigan ko 'to. Argh!.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng bigla akong nadulas na kinasigaw ko.

Bumagsak ako sa sahig. Tsk! Ang malas ko naman.

"Are you failed to walk out?"
Natatawang sabi ni Sky. Ngayon ko lang napansin nasa harapan ko na sya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Tatayo na sana ako ng may naramdaman akong kirot sa palad ko.

Nang tignan ko ito may hiwa ito na hindi naman masyado malalim. Pero dumugo. Tumulo iyon na nakita ni Sky.

Napamura sya at mabilis na lumuhod para kunin ang sugatan kong palad.

Tinignan nya ako sa mata. Ganun lang sya habang malalim ang iniisip. Ilang sandali napa pikit sya ng madiin at napa buntong hininga.

"Masakit ba? Bakit ka ba nagkasugat?"
Nag aalalang tanong nya sa akin habang may halong inis.

Tinignan ko ang sahig at may napansin na isang bobog.

"Sa bobog ata ako nagkasugat"
Sagot ko sa kanya. Kukunin ko sana iyon pero pinigilan ako ni Sky.

"Wag mo ng hawakan at baka magkasugat ka na naman"
Sabi nya sa akin. Tumango na lamang ako at tumayo.

"Ayos lang ako hindi naman masyadong masakit"
Sabi ko sabay bawi ng kamay ko pero ng bawiin ko nasagi naman din ng kamay nya.

Subrang sakit. Dahilan ng napakagat ako ng labi sabay pikit ng madiin.

"Tsk! Akin na nga yang kamay mo. Ang tanga-tanga mo kasi eh"
Sabi nya sabay hawak sa sugatan kong palad. Nakita kong unti-unti nyang inilapit ang kamay ko sa labi niya at dahan dahan nya iyong hinipo.

Nabigla ako, at the same time medyo nawala ang inis ko sa kanya.

Ramdam ko sa palad ko ang mainit nyang hininga. Habang ginagawa nya iyon naka tingin din sya sa mga mata ko.

Sasabihin ko subrang napaka gwapo talaga ng anghel na ito lalo na sa malapitan.

Napaka ganda ng mga mata nya. Para bang inaakit ka nito na halos ikatulala muna.

"You're so beautiful, Bella"
Halos bulong na pagkakasabi nya.
Tinignan ko lang sya. Ilang sandali napansin kong unti-unti ng lumapit ang mukha nya sa akin.

Is he going to kiss me?!!.
Kasi kunti nalang  mahahalikan na nya talaga ako.

"What are you doing?"
Naiirita kong sabi. Iwan ko ba pero ayaw ko sa gagawin nya. Para kasing may kakaiba akong nararamdaman sa loob ko na hindi ko maintindihan.

Bigla syang natauhan sa ginawa nya na agad nyang kinaurong palayo sa akin.

"Are you dreaming? Why would i kiss you?!"
Depensa nya sa sarili nya sa maatas na tuno.

Sinimangutan ko lang sya tapos iniba ko nalang ang topic.

"Iwan ko sayo. Bakit ba may bobog kasi rito. May nabasag bang gamit?"
Tanong ko sa kanya hindi naman din sya maka pagsalita at nanatili lang na tahimik.

"Uy Sky, bakit nga may bobog dito"
Tanong ko ulit tinignan nya lang ako tapos nagkibit balikat.

Inirapan ko nalang sya sa subrang inis ko at tinalikuran ko nalang sya para pumasok nasa kwarto.

Napatingin naman din ako sa sugat ko. Hays, lalagyan ko nalang ito ng band aid mamaya. Hindi naman masyadong malala kaya ayos lang. Kahit walang first aid kit.




















° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now