Chapter 14: Sky and Mika is...

919 20 0
                                    

»»»

Masama ang loob at nalulungkot ako sa nalaman ko tungkol kay Sky, habang naglalakad ako mag isa sa corridor hindi ko napansing nakasalubong ko na pala si Chase sa paglalakad.

Nang magkalapit na kami sa isa't-isa ay agad din niya akong niyakap na may pag aalala pa sa kanyang mukha.

"Goodness. Bella, saan ka ba nanggaling? Ayos ka lang ba? Walang bang nangyaring masama sa'yo?"
Pag aalalang tanong niya ng matapos niya akong yakapin at tignan sa mukha habang ang mga kamay ay nasa magkabilaan kung pisngi.

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay hinihintay ang sagot ko.

Kailangan ko bang sabihin kay Chase ang nangyari sa akin?. Kung sasabihin ko ire-report niya ba ito sa mga nakakatandang Anghel?.

Paano na si Sky? Pag sinabi ko tiyak na mapapahamak siya.

Alam kong masama ang loob ko sa kanya pero may utang na loob ako sa kanya dahil kahit niloko niya ako ay nagawa naman din niya akong iligtas laban sa mga kalahi niya.

Pinilit kong tumango at ilihim kay Chase ang nangyari sa akin kanina bilang kapalit sa pagligtas sa akin ni Sky.

Alam kong masama pero talagang nagtatalo ang isip ko sa mga bagay na maaaring mangyari sa desisyong pagsagot ko sa kaharap ko.

Napa buntong hininga siya dahil sa kaginhawaan at ngumiti sa akin.

"Mabuti naman Bella, alam mo bang nababaliw na ako kakahanap sayo kanina. Tara na't ihahatid na lang kita sa dorm mo"

"Eh paano ang pag-aaral. Hindi pa tapos?"

Matipid syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Pinatigil muna nila dahil kailangan nilang mag meeting at pag usapan sa nangyaring kaguluhan kanina"
Sagot niya sa akin. Napa tango na lamang ako at nagsimula na din kaming naglakad ni Chase papunta sa dorm.

Nang makarating na kami ay nagpa alam na si Chase at umalis na rin.

Napa buntong hininga akong napa sirado ng pintuan ng magulat akong may nagsalita sa likuran ko na kinatigil ko sa aking kinatatayuan.

"Salamat Bella, at hindi mo sinabi. I'm sorry for everything please forgive me. Against na ako sa plano nila wala na akong balak patayin ka Bella, believe me"
Pagsusumamo niya. Hinarap ko siya at nakita ko ang sincere sa mga mata niya.

"Bakit Sky? Bakit ikaw pa? Bakit kailangan mong makipag kaibigan ngayon sa akin at lokohin ako ng ganito. Alam mo bang masama ang loob ko dahil sa ginawa mo sa'kin kaya pwede ba lumayo kana? Ayaw na kitang makausap pa at pa salamat ka nalang na hindi ko sinabi ang tungkol sa nangyari sa akin kungdi pinabalik na kayo sa impyerno or worst papatayin"
Sabi ko at mabilis siyang nilagpasan papunta sa kwarto ko.

Pero nang aalis na ako pinigilan naman din niya ako gamit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Bella, wag naman ganito"
Nalulungkot na sabi niya. Kahit naaawa ako sa hitsura niya ay nagawa ko parin namang ilayo ang kamay niya sa akin.

"I'm sorry Sky, pero hindi na kita kaibigan"
Matigas kong sabi sa kanya at tuluyan ng tumalikod at binuksan ang pinto bago ko ito masirado ay may bigla namang sinabi si Sky na biglang nagpatibok sa puso ko.

"I badly like you, Bella"
Sabi niya sa nanghihinang busis dahil sa lungkot at tuluyan ko ng sinarado ang pinto na parang walang narinig.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya kaya napa sandal na lamang ako sa pinto at napa upo na hindi maka paniwala sa sinabi ni Sky.

"Gusto niya ako?"

Past days na ang nakakalipas at hindi na nga kami nagkibuan ni Sky simula ng pag uusap namin noon. Parang hangin na nga na walang nakikita sa isa't-isa.

Alam kong nahihirapan siya pero wala eh. Masama talaga loob ko sa kanya. Hindi ko naman nakalimutang gusto niya ako na hanggang ngayon nagpapagulo sa isip ko at pagkailang ko sa kanya pag nasa paligid siya.

Napa buntong hininga na lamang ako habang nakikinig na sa aming guro.

Ilang araw ng absent si Mika na pinagtataka ng mga kaklase at mga guro namin.

Mas mabuti na't wala siya dahil kahit paano ay nabawasan ang takot ko.

Simula ng hindi na kami nagkibuan ni Sky ay lagi ko ng kasama si Chase na ngayon ay tahimik na akong tinuturuang lumaban.

Nakiusap ako sa kanya na pinagtataka niya. Para turuan niya ako ay sinabi ko nalang sa kanya na kailangan kong maghanda na naiintindihan niya.

Medyo mahirap at nakakapagod pero pinipilit ko ang sarili ko na may matutunan kung paano lumaban at protektahan ang sarili ko.

Napa impit ako sa sakit ng matumba ako sa damuhan.

"Bella, I'm sorry nadala lang ako. Ayos ka lang ba?"
Sabi sa akin ni Chase at sabay abot niya ng kamay niya sa akin. Kinuha ko naman ito agad na inalalayan din akong tumayo.

"Ayos lang ako, Chase. Salamat nga pala at tinuruan mo ko"
Sagot ko sa kanya napa ngiti naman siya.

"Wala iyon. Masaya akong ako ang nilapitan mo para turuan ka. Hindi lang pala kailangan protektahan kita dapat pala kaya mo ding lumaban para sa sarili mo. Nga pala, gumagaling kana Bella"
Sabi sa akin ni Chase habang may ngiti parin sa labi. Napa ngiti na rin ako.

Kasalukuyan nga pala akong tinuturuan ni Chase.

Pagkatapos kasi ng klase namin hindi muna ako umuuwi sa dorm at nag iinsayo lang ako kasama si Chase.

Alam kong nagtataka na si Sky pero anong pake alam ko? Hindi ko na siya kaibigan ngayon at lalo ng hindi ko siya kilala maliban sa magka klase kami.

Umupo muna kami ni Chase sa damuhan para magpa hinga sandali habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Nang mapansin kong may tinitignan si Chase sa kabilang banda ay sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita si Sky na nakatingin sa amin at umalis din ng magtama ang tingin namin pariho.

Biglang kumabog ang dibdib ko at sinundan ng tingin si Sky papalayo.

"Ayos ka lang ba Bella?"
Tanong ni Chase ng mapansin niyang bigla akong napa tahimik.

Pinilit ko nalang tumango sa kanya at ngumiti ng tipid para hindi makahalata si Chase sa nangyari sa akin.

Ang weird. Bakit ako nagkaka ganito?.




















° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now