Chapter 19: Angels, Devils War

903 21 0
                                    

»»»

Kasalukuyan kaming nakikinig ng mga kaklase ko sa discussion ng guro namin ng may narinig nalang kaming biglang pagsabog sa labas.

Dahilan ng mabahala kaming lahat at agad napasilip sa labas ng bintana. Nang mapagtanto kung anong nakita namin ay agad ng pinalabas ng aming guro ang mga kaklase ko. Para ilayo at ihanap ng ligtas na lugar.

Pinauna niya ang mga kaklase ko tyaka napa tingin ang guro namin sa aming dalawa ni Chase na ngayong nasa tabi ko na.

"Mag iingat kayo"
Sabi niya sa amin. Tumango kaming dalawa ni Chase dahilan ng umalis na rin ang guro namin kasunod ang mga kaklase namin na lumikas na sa paaralang ito.

"Biglaan ito Chase, hindi pa nakakalayo ang ibang mga anghel"
Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami sa corridor na may pagmamadali.

"Wag kang mag alala. Ang senior at sophomore year na ang bahala sa  kanila. Ang gawin nalang natin tulungan ang ibang mga warrior angel sa paglaban sa mga demonyo"
Sagot niya sa akin na kinatango ko na lamang.

Nasa gitna kami ng paglalakad ni Chase ng may biglang humila sa akin sa sulok.

Napasunod naman si Chase at pinalabas sa kamay niya ang kanyang sandata na itinutok naman sa isang nilalang na humila sa akin.

Ang lakas ng pinting ng puso ko. Pag angat ko ng ulo napagtanto kong si Sky ang humila sa akin.

"Sky?"
Pagtataka kong tawag sa pangalan niya. Nagulat na lamang akong bigla niya nalang akong niyakap.

"Ibaba mo nga 'yang sandata mo sa mukha ko!"
Naiiritang sabi ni Sky kay Chase habang yakap parin ako.

Ibinaba nga ni Chase ang hawak niyang sandata at umiwas ng tingin sa amin.

"Kailangan na naming umalis may aasikasuhin pa kami"
Malamig na sabi ni Chase habang nasa malayo ang tingin.

"Kalimutan niyo na iyan. Kailangan nating ilayo si Bella. Nasa pahamak siya"
Sabi ni Sky na kinatingin ko sa kanya. Humiwalay na din siya sa pagkakayakap sa akin.

"Bakit ba, ang dami mong alam? Susulpot-sulpot ka pa dito eh bigla ka ngang nawala noong isang araw"
Sabi ni Chase kay Sky at agad ako hinila palapit sa kanya palayo kay Sky.

"Wala ka kasing alam. Ako, marami kaya, kaya kong protektahan si Bella at wag siyang ipahamak. Eh ikaw ano nga ba ginagawa mo?"
Biglang nainis si Chase kaya nilapitan niya ito at kwenelyohan.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now