Chapter 12: Dream

835 27 0
                                    

»»»

"Hija, wake up"
Nabigla ako ng may yumuyogyog sa balikat ko.

Nang tignan ko si Sir pala na nag alalang nakatingin sa akin.

"Are you okay, hija? Kulang ba ang tulog mo kagabi?"
Tanong niya sa akin. Napa tingin ako sa lahat ng mga kaklase ko na nakatingin din sa akin.

Pati si Mika ay nag susungit na namang inirapan ako at hindi na din ako pinansin.

Chase is looking worried too but Sky is starring at me like binabasa nya ang isip ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na sa kaharap kong guro.

"Sorry sir, hindi ko na po uulitin"
Sabi ko. Tumango-tango ang guro namin at tinapik ako sa balikat tyaka na sya naglakad sa harapan at nagsimula ng mag discuss.

Napa buntong hininga na lamang ako.
Panaginip. Panaginip lang ang lahat.

Napa tingin ako kay Sky. Ganun parin  sya nakatitig sa akin na parang binabasa ako.

Dumapo ang tingin ko sa mapupula nyang labi na kinalunok ko ng laway at naramdaman ang init sa mukha ko.

Napakunot ang noo ni Sky pero maya-maya din ay napa ngisi at napa iling na agad ko namang kinaiwas ko ng tingin sa kanya.

Ano ba ang ginagawa ko? Parang affected ata ako sa halik ni Sky sa panaginip ko.

Diyos ko, nagkakagusto na ba ako kay Sky?.

Sa pagkatulala ko hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin sa  umaga.

Nagsilabasan na ang ibang mga anghel sa pinto pati ang masungit na si Mika.

Ilang sandali lumapit na sa akin si Chase at niyaya na akong kumain pero hindi din naman natuloy dahil inutusan sya ni Sir.

"Pasensya na Bella hindi ata kita masasamahan ngayon. Sige ingat ka nalang ah? Hahanapin kita mamaya"
Pagmamadali ni Chase at sinundan na ang guro.

Napa buntong hininga na lamang ako at tatayo na sana ng may sumulpot na naman na anghel sa harapan ko na kinagulat ko.

"Sky, i-ikaw pala"
Naiilang kong sabi sa kanya. Sky is looking at me seriously.

"Sino pa ba? Tsk! May kasama ka bang kakain mamaya?"
Tanong nya sa akin. Nahihiya naman din akong tumingin sa kanya at agad umiwas ng tingin.

"Wala"
Tipid kong sagot. Napansin ata ni Sky na naiilang ako sa kanya kaya inilapit niya ang mukha niya sakin at masinsinan akong tinignan.

"Okay ka lang ba? Ba't parang, naiilang ka ata sakin?"
Nakakunot noong tanong niya sa akin. Tinulak ko sya palayo.

"Huh? Hindi ah. Bakit naman ako maiilang"
Hindi magkamayaw na sagot ko sa kanya.

"Wey? Alam kong nagsisinungaling ka. Hindi marunong magsinungaling ang mga anghel kaya sabihin muna sakin kung bakit naiilang ka ngayong kausap ako"

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now