Chapter 16: Goodbye

823 23 0
                                    

»»»

Pagkatapos ng nangyari kahapon sa pagitan namin ni Sky pilinit ko ulit syang layuan at iwasan, kahit na naaawa na ako sa kanya sa pagpipilit nyang kausapin ako.

Hanggang sa isang araw.

"Bella, please!"
Sabi niya sabay pigil sa akin sa paglalakad palayo.

Hindi ko siya nilingon at walang kibo na hinintay ang susunod niyang sasabihin sa akin.

"Kausapin muna ako, ilang araw na tayong ganito. Masama parin ba ang loob mo sa akin? Ano bang gusto mo para lang mapatawad mo ko"
Halata sa busis niya ang hinanakit.

Bakit kailangan ko pang maramdaman iyon? Alam kong normal na sa aming mga anghel ang makaramdam ng emotion ng iba pero ayokong galing kay Sky.

Gusto ko sanang makawala sa pagkaka-hawak niya sa braso ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito na halatang ayaw ako pakawalan.

Napa buntong hininga nalang ako at lumingon sa kanya.

"Gusto mo ba talagang malaman?"
Malamig na tanong ko sa kanya. Hindi siya maka pagsalita at napatitig na lamang sa akin na para ba syang kinakabahan.

Dahan-dahan syang tumango habang ang mga kamay niya sa braso ko'y unti-unti ng humihigpit.

"Pwes, kung gusto mo ng kapatawaran layuan muna ako at wag muna akong guluhin pa!"
Sagot ko sa kanya sabay pwersahang inalis ang kamay ko para makawala ako sa pagkaka-hawak niya.

Nakita kong napatulala na lamang si Sky at hindi magawang makapagsalita sa narinig na napayuko na lamang ng ulo.

Ramdam ko ang katahimikan sa pagitan namin kasabay ang simoy ng hangin na dumadampi sa mga balat namin pariho.

Akala ko hindi na magsasalita si Sky pero nagkamali ako na hindi ko inaasahan.

"Bago ako sumunod sa gusto mo pwede bang humingi ng pabor? Pwede bang makinig ka muna ngayon sa kwento ko?"
Malungkot na sabi niya habang naka tingin sa mga mata ko.

Tahimik akong napakuyom ng kamao at napayukong tumango sa kanya.

Kahit napipilitan sumunod na rin ako sa kanya.

Huli naman din ito at gusto ko na rin matapos ang namamagitan sa amin ni Sky. Lalo na't pinaasa niya akong totoong kaibigan ko siya.

Masakit. Dahil araw-araw din kaming magkasama simula ng unang klase. Nagka palagayan kami ng loob na halos gusto ko na siya.

Tama, may gusto ako kay Sky dati, pero simula ng malaman kong niloloko niya ako. Inilihis at pilit ko ng kinakalimutan ang nararamdaman kong iyon galing sa kanya.

Dinala niya ako sa abandonadong lugar sa University. Isang lugar kung saan puro maze sa paligid at sa gitna nito ay isang malumang fountain na matagal ng walang tumatagas na tubig.

Halata sa paligid na hindi na naaalagaan ang lugar na ito dahil sa mga damong tumubo na sa semento at mga tuyong dahon galing sa mga puno.

Isang lugar na mapayapa at mahinahong lugar na ngayon ko lang napuntahan.

Umupo kami doon. Halata sa akin ang kaba ng dinala ako ni Sky dito. Pakiramdam ko nag sisisi na akong sumama kanya. Delikado nga pala at demonyo ang kasama ko.

Habang naka upo kami sa fountain nabigla akong hinawakan ni Sky ang kamay ko.

"Wag kang matakot. Walang mangyayari sayong masama. Gusto ko lang mag kwento"
Sabi niya sabay mapait na ngumiti sa akin. May halong sakit na tinignan ko lang siya tyaka na ako umiwas ng tingin at napa yuko.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now