Chapter 20: Final Ending/ Epilogue

1.5K 49 2
                                    

»»»

Habang nagtatago ako dito sa isang sulok panay naman ang silip ko sa corridor kung saan dumaan si Sky.

Kanina pa sila ah. Bakit hindi parin sila bumabalik? Kinakabahan na tuloy ako kung ano ng nangyari sa dalawang iyon.

Dahil sa pag aalala napilitan akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Sinundan ko kung saan dumaan at iniwan namin ni Sky si Chase. Hindi pa lamang ako nakakalayo sa pinagtataguan ko may bumulaga na agad sa akin na mga demonyo.

"Nandito ka lang pala anghel"
Naka ngising sabi ng isa na halatang nasasabik ng patayin ako.

Napa urong ako paatras. Tumalikod ako agad at tatakbo na sana ng may demonyo din pala sa likuran ko.

Pinalilibutan na nila ako. Wala na akong matakbuhan kaya naisip ko nalang na lumaban.

Pinalabas ko ang espada ko sa aking kamay at agad sila inataki para lumayo sila.

Tumalon ako pataas kasabay ng paglabas ng pakpak ko. Nang makawala ako sa pagkakapalibot nila sa akin tumingin muna ako sa kanila at mabilis ng tumakbo palayo.

Alam kong hahanapin at papagalitan ako nila ni Sky pero wala na akong magagawa nakita ako ng mga demonyo doon eh.

Habang nasa gitna ako ng pagtakbo nakakasalubong ko ang ibang mga demonyo na may hinahanap. Nang makita nila ako agad silang tumakbo palapit sa akin dahilan ng tumakbo rin ako palayo sa kanila.

Sa pagtakbo ko narating ko ang open field sa labas ng building ng school kung saan ang mga demonyo at mga warrior angel ay naglalaban sa pwestong iyon.

May bigla na namang bumulaga sa akin na demonyo para atakihin ako buti nalang nasangga ko ang espada niya at pinatid siya sabay saksak ko ng espada ko sa kanya. Naging abo naman ito at naglaho sa hangin. Sunod-sunod na ang ataki ng mga demonyo sa akin buti nalang nilapitan ako ng isang anghel at tinulungan ako.

"Nasaan ang dalawang lalaking kasama mo? Hindi ka dapat nag iisa lalo na't ikaw ang pakay patayin ng mga demonyo"
Sabi niya sa akin habang abala kami sa pakikipaglaban.

"Naiwan sila doon sa loob. Marami na din kasing mga demonyong nakapasok doon"
Sagot ko sa kanya. Biglang lumapag ang isang archangel sa kinatatayuan namin kung saan galing siya sa himpapawid.

"Malalakas ang mga demonyo Bella, hindi namin kaya silang pigilan"
Sabi nito sa akin. Bigla akong nag alala.

"Paano na 'to. Anong gagawin natin?"
Sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at napa tingin sa mga mata ko dahilan ng napatigil ako.

"Oras na Bella"
Nang marinig ko ang sinabi niya napa iling ako.

H-hindi pwede. Hindi ko kayang gawin. Lalo na't may nilalang akong ayaw madamay sa gagawin ko.

"Bella, wala na kaming laban sa kanila masyado silang malakas. Ikaw nalang ang pag asa namin"
Sabi ng isang archangel na lumapit na din sa amin.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now