Chapter 18: Secret Feelings

825 19 0
                                    

»»»

"Hey, Bella?"
Tawag pansin sa akin ng kasama ko. Ngayon ko lang napagtantong naka tulala na pala ako habang naka tingin sa papalubong na araw.

"Sorry Chase, may sinasabi ka ba?"
Tanong ko sa kanya. Tinignan lang naman niya ako tyaka siya napa buntong hininga.

"Wala iyon, hindi naman importante. Ano ba iyang nasa isip mo at nakatulala ka ngayon d'yan?"
Curious na pagkakatanong niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at ibinalik muli ang tingin sa papalubog na araw.

"Wala lang naman, iniisip ko lang kung kamusta na si Sky. Ilang araw na din pala siyang wala. Naninibago lang ako dahil mag isa nalang ako sa dorm"
Sagot ko sa kanya sabay patong ko ng chin ko sa aking mga tuhod habang yakap ang mga paa.

"Kung di kaya lumipat ako sa dorm mo para may kasama ka?"
Suggest niya. Napa lingon naman agad ako sa kanya at napa pout.

"Wag na, hindi naman ako naghahanap ng makakasama sa dorm. Ang point ko lang is, iyong naninibago ako na wala si Sky"
Honest na pagkaka-sagot ko.

"Sabagay, siya naman kasi ang una mo'ng nakilala kisa sa'kin"
Bulong niya sa kanyang sarili.

Napalingon ako sa kanya habang may pagtataka sa mukha.

"Huh?"
Tanong ko.

"Ah! Wala, sabi ko nandito naman ako. Wag mo nalang syang isipin"
Pag aamin niya habang may ngiti sa labi.

Ngumiti ako na parang na w-weirdohan sa kanya.

"Ganun ba. Sige pipilitin ko"
Sagot ko. Tinignan niya lang ako sa mukha na parang may kinikilatis. Dahilan ng mapalayo ako ng kunti sa kanya.

"C-chase, anong ginagawa mo?"
Pagtatakang tanong ko ng unti-unti niyang inilapit ang gwapo niyang mukha sa akin habang ang mga kilay naman niya'y nagka salubong na.

"May napapansin lang ako"
Sagot niya na kinataas ko ng kilay.

"Ano naman iyon?"
Tanong ko. Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko ng tumitig ang magagandang mata niya sa mga mata ko.

"May gusto ka ba kay Sky, Bella?"
Nakakunot noo'ng tanong niya sa akin na kinabilog ko ng aking mga mata.

Bigla akong umiwas ng tingin sa kanya at napakagat na lamang sa aking ibabang labi.

"H-huh? Ano namang tanong iyan Chase, hindi ah!"
Pagsusunungaling ko. Nang sabihin ko iyon agad naman akong napa impit sa sakit ng maramdaman ko na nasusunog ang pakpak ko.

Sinundan niya ng tingin ang kamay kong hinimas-himas ang aking likod.

Tinignan niya muli ako.

"Bawal ang magsinungaling Bella, kung ayaw mong masaktan sabihin mo lang ang totoo"
Mahinahon na sabi niya sa akin.

"Bakit ba kailangan ko pang sagutin iyan. Nagkasala tuloy ako"
Nakasimangot na sabi ko.

"Bakit kasi ayaw mo aminin. Nasaktan ka pa tuloy dahil sa pagsisinungaling mo"
Sabi niya sa akin. Napa impit na naman ako sa sakit.

"Gusto mo talaga akong saktan"
Sabi ko. Umiwas siya ng tingin at may ibinulong na naman sa kanyang sarili.

"Baka nga ako pa ang masaktan sa isasagot mo eh"
Bulong niya dahilan ng napakunot noo na naman ako.

This time, hinampas ko na siya sa braso.

"Pasalamat ka hindi kita naririnig dahil sa suot kong kwentas. Kung hubarin ko kaya ito!"
Sabi ko at aakmang huhubarin na. Agad niya naman akong pinigilan.

"Bella, ano ba para kang bata!"
Suway niya sa akin. Napasimangot naman ako.

"Bakit kasi may pa bulong-bulong ka pa d'yan! May tinatago ka ba sa akin?"
Tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"W-wala. Malas mo lang talaga dahil di mo ako naririnig"
Sagot niya sa akin. Maya-maya siya naman iyong napa impit sa sakit at napa himas sa kanyang likuran.

Hinampas ko siya.

"Sinungaling ka! Sabihin mo ano bang pinag bubulong mo kanina!"
Sabi ko. Napalayo siya sa akin at mukhang nasaktan sa ginawa kong pag hampas sa kanya. Kasi lumipat ang kamay niya sa braso at napahimas.

"Nakaka dalawa ka na ah. Kung itatanong ko ulit sayo ang tanong ko kanina. Sasagutin mo na ba?"
Naka simangot na sabi niya. Napa kagat ako ng ibabang labi.

Nakakainis talaga 'to.

"Tsk! Oo na, may gusto ako kay Sky"
Napipilitan kong sagot habang nararamdaman ko na ang pag init sa mukha ko.

Napansin kong humupa na din ang sakit sa aking likod. Dahilan ng napahinga ako ng maluwag.

Hindi na naka-imik si Chase sa tabi ko. Nang tingnan ko nakasimangot na ito.

"Uy, anong hitsura naman iyan?"
Tanong ko.

"Wala. Naisip ko lang ang swerte ni Sky"
Sagot niya sa akin na mas lalong kinapula ng pisngi ko.

"P-paano mo naman nasabi?"
Napipilitang tumawa ako sa sinabi niya kahit wala namang nakakatawa.

"Kasi gusto mo siya eh"
Sagot niya sa akin. Nakaramdam naman din agad ako ng hiya at umiwas ng tingin sa kanya.

"Wag mo ngang sabihin iyan"
Sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa at tumingin nalang sa malayo.

"Chase? Okay ka lang ba? Sabihin mo na kaya sa akin ang totoo. Pansin ko nasasaktan ka na d'yan"
Sabi ko sa kanya. Mapait syang ngumiti sa akin.

"Ang sakit na nga eh. Sige alis muna ako"
Sagot niya sabay tayo. Nagtaka naman din ako.

"Saan ka naman pupunta? Paano iyong pakpak mo. Nakapag sinungaling ka kaya"
Sabi ko sa kanya. Ngumiti na naman siya ng mapait.

"Ikukumpesal ko nalang mamaya. Ingat ka rito huh?"
Sagot niya. Napilitan na lamang ako sa pagtango kahit na nagtataka na sa kanya.

Napakagat siya sa ibabang labi niya. Siguro sa sakit na rin ng kanyang likuran kaya nagmadali na itong tumalikod at umalis palayo.

Nakakaawa naman ang hitsurang iyon ni Chase.

Ayos lang ba talaga siya?.

*Chase POV*

Hindi ko kinaya ang narinig ko kay Bella kaya agad na akong lumayo sa kanya.

I do really like her for the first time we meet.

Sana ako nalang pala ang una niyang nakilala siguro may chance pa na ako sana ang nagustuhan niya.

How ironic. Bakit ba ako nagkaka ganito.

God. Patawarin niyo po ako sa mga nagawa kong pagsisinungaling kanina sana'y maintindihan niyo po ako.

Siguro ang magagawa ko nalang ngayon sa babaeng gusto ko ay iyong protektahan nalang siya at wag mapahamak.

Kung okay siya at walang nangyaring masama sa kanya ay magiging masaya na ako.

I will cherish her forever, even if she like someone else.

I'll be here for her whenever it takes. I'll be her friend with a secret feelings for her.





















° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now