Chapter 17: Their Plan

803 23 0
                                    

»»»

Ilang araw ng hindi ko nakikita si Sky simula ng huling pag-uusap namin noong isang araw.

Nakakamiss pala ang demonyong iyon kahit papaano. Simula ng mawala siya bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko bilang estudyanteng anghel dito sa University.

Nasasanay na din kasi akong araw-araw na kasama ang lalaking iyon. Iyan tuloy pakiramdam ko nag-iisa ako kahit na nandito si Chase.

Iba kasi talaga eh. Iwan ko ba, bakit ba Sky ako ng Sky demonyo nga ang lalaking iyon dahil niloko niya ako. Tsk!.

Napahalumbaba ako sa aking dest. Nasa loob na ako ng classroom at hinihintay nalang naming lahat ng mga kaklase ko ang guro namin na pumasok sa pinto para maka pagsimula na rin kami sa aming klase.

Kung tinatanong niyo naman kung nasaan na si Mika. Wala na, hindi na pumasok na pinagtataka ng lahat.

Sabi-sabi ng ibang kaklase ko, demonyo si Mika dahil sa kakaibang ugali nito na pinapakita, na totoo rin naman para sa akin.

Meron ding nagsabi na ugali lang talaga ni Mika iyon. Na kinangiwi ko ng tahimik.

Kung alam lang sana nila.

Pero si Sky? Kalat sa buong University na bigla nalang daw naglaho na parang bula, na hindi na mahagilap ng mga taga hanga niya.

Grabi talaga ang demonyong iyon ang gwapo-gwapo kasi kaya agad kumalat ang balita tungkol sa kanya.

Nalulungkot na nga ako dahil kasalan ko pa ata ang lahat ng nangyari kaya hindi na siya ngayon nakikita ng iba.

Napa tingin ako kung nasaan naka upo si Chase at nakita kong nakatingin siya sa akin na may pag aalala.

Ngumiti nalang ako ng tipid tyaka umiwas na ng tingin sa kanya para pagmasdan ang mga ulap sa labas ng bintana.

Matapos ang klase namin sa umaga tumayo nalang si Chase sa upuan niya at agad lumapit sa akin.

"Bella, pwede ka bang sumama sa akin may sasabihin lang sana ako"
Seryosong sabi niya. Medyo kinabahan ako dahil sa tipo ng pananalita niya.

Tumango ako sa kanya at sumunod nalang ng tahimik.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Chase ang alam ko lang may gusto siyang sabihin sa akin.

Dahil sa pagtataka kung saan kami pupunta. Hindi ko na mapigilang mapa-tanong sa kanya.

"Chase, saan ba talaga tayo pupunta lumagpas na tayo sa mga classrooms ah?"
Takang tanong ko. Napa tingin siya sa akin tyaka sa mga kamay ko. Hinawakan niya ito at hinila na ako. Nagpa tangay nalang rin ako sa kanya at walang kaba sa dibdib na sumama. Walang kaso ito sa akin ang laki din kaya ng tiwala ko sa anghel na ito.

"Sa Dense Office. Nandito ang mga Archangel"
Sagot niya sa akin. Bigla akong nabigla at napabilis ng lakad para pantayan siya.

"Talaga? Bakit nandito sila?"
Taka kong tanong binitawan niya ang kamay ko para hawakan ang mga balikat ko para e-guide papasok sa isang pinto.

Pumasok kami sa isang silid. Nang buksan iyon ni Chase, napagtanto kong Dense Office nga ang pinasukan namin.

Nasa loob ang lahat ng mga guro at ang head master pati na din ang mga archangel.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon