Chapter 3

3.3K 161 12
                                    

Precious POV

Matapos kong mag panggap na naglilinis ng Cr ay lumabas din ako agad.

'Buti nalang talaga at malinis ang banyo dito sa office ni Sir Andrew. Tsk. 

Mapapalinis ako ng bowl ng di oras dahil sa mokong na yun eh!'

"Oh, tapos kana?" salubong na bungad sakin ni Ma'am Judith. Tumango naman ako saka naglakad palapit sa kanya. " Isulat mo lahat sa ibang papel ang mga ito. Ilagay mo sa ibang folder tapos ibigay mo kay Mr. Aljon pag tapos kana." naka ngiting aniya saka binigay sakin ang isang folder na black.  Tinanggap ko naman agad 'yon at saka ngumiti pabalik.

Honestly, Thankful ako dahil mabait ang mga boss ko lalo na itong si Ma'am Judith at Sir. Andrew.

"Ahmm, Miss Judith. Saan ko po matatagpuan si Mr. Aljon?" nang maalala kong hindi ko nga pala kilala yung Aljon na tinutukoy niya sinamantala kona ang pagkakataon para mag ask. Hehehe.

" Oh, hindi pa ba kayo nag meet?? " gulat niyang tanong. Umiling naman ako bilang sagot.  " Really. Don't cha worry he'll be back after niyang magpalit. Babalik na rin yun maya-maya lang." tumango nalang ako dahil wala na rin naman akong sasabihin.

Habang naghihintay sa pagbalik nung Aljon kuno ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag susulat.

 Sinulat kona lahat ng dapat isulat. 1Folder lang naman yun kaya mabilis kong matatapos.

Sino kaya si Aljon?? mataas kaya posisyon nun dito Scyneth Comapany? kasi kung hindi naman, bakit kailangan pa niya ng mga copy nitong folder na 'to diba?

Hmm. wait ko nalang siguro.

lumipas na ang dalawang oras.

Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala parin yung Aljon na tinutukoy ni Miss Judith. Lunch break na!

"Ahm, excuse me Ma'am Judith. Pwede po ba akong bumaba muna?  bibili lang po ako ng food ko for lunch." paalam ko kay Ma'am Judith. Naka upo siya sa Swivel chair ng fiancee' niya. Matapos  niyang tumango tanda ng pag-payag ay agad na akong umalis at tinahak ang 3rd floor.

Nasa third floor kasi ang resto dito also known as canteen.

Ang layo ng resto sa 60th floor office ng Boss ko diba? parang galit na galit, gustong manaket.

Pagdating sa baba ay agad akong pumasok sa loob.

"Isa nga pong egg, bacon and hotdog, Please." sabi ko sa bantay. Tinaasan niya ako ng kilay kaya inulit ko yung order ko. Baka hindi nya ko narinig e hehee.

" One egg, bacon and hotdog, please." hindi parin siya kumilos sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatingin lang sakin habang nakataas ang isang kilay.

'luh, problema nito?  bingi lang?'

Nainis naman ako kaya nilakasan kona ang boses ko. 

Yung tipong maririnig kahit nasa labas ka. tsh.

"ATE ISA PONG ITLOG, ISANG BACON, AT ISANG HOTDOG. Uulitin ko pa??" naiinis ko na talagang sabi. 

Bwisit tong bantay na 'to! batuhin ko ng tabo 'to makita nya.

"Sorry wala kaming ganyang tinda dito. Anong tingin mo sa restaurant na 'to?? karindirya??  pang pulubi ang mga paninda?" napamaang ako sa sinabi niya.

 Aba! maka judge naman 'tong tabachoy na 'to, mukha naman bisugo.

'Kelan pa naging pang pulubi ang pagkain na Egg, bacon, and Hotdog??? mostly kaya ‘yan ang breakfast ng mga mayayaman.'

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now