Chapter 41

1.3K 64 0
                                    

**Xien's POV**

Umakyat ako sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto ni Precious. Gusto ko syang dalhan ng breakfast. Nang marating ko ang pinto ng kwarto nya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto, baka tulog pa sya.

"Bakit sya nalang palagi?" Napatuwid ako ng tayo nang marinig ko ang boses ni Precious. Naka upo sya sa isang silya habang nasa malayo ang tingin. Pumasok ako sa kwarto nya at sandaling nilapag ang bitbit ko sa table nya saka  dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.

"Hindi na n'ya kaya ako mahal?" Muling aniya sa malungkot na tono.

' Mukhang may problema sila ng boyfie nya.'

Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa mga sinasabi nya sa sarili nya.

"Sya nalang ba lagi ang MAHALAGA para sayo?" Muling tanong nya. Natawa pa ako nang bigla syang ngumuso.

"Anak." naisipan kong tawagin na siya dahil mukhang hindi niya pa napapansin ang presensiya ko.

"Momma!" Gulat nyang sabi pagkaharap sakin. Nagulat ata sya dahil hindi nya inaasahang makikita nya ako sa likod nya matapos ang mga kadramahan nya.

"Kain kana ng breakfast, dinalhan kita." Naka ngiting sabi ko, ngumiti naman syang alanganin kaya ngumiti ako sa kanya.

"K-kanina pa po kayo dyan? Hehe"

"Oh? Hmm yes" sagot ko.

"Ah.. pasensya na po kung narinig nyo pa po ang mga kadramahan ko hehe." Nangangamot ng batok na aniya, lumapit ako sa kanya at saka siya yinakap.

"It's okay, baby. " Sabi ko nalang. "You know what baby, hindi mo naman kailangan mag doubt sa nararamdaman ni Aljon sayo. He's definitely deeply, madly in love with you. Ganon ka nya ka mahal." Suminghot  sya bigla kaya hinagod ko ang likod nya. Lalo ko ata syang napaiyak.

"Pero bakit may iba po syang kasamang babae?" Tanong nya.

"Malay mo kaibigan lang nya."

"Pero Momma iba po yung ngiting nakita ko sa ngiting pinapakita ny sakin. Sobrang saya po nya nung kasama nyung Trixie na yun. Ngayon ko  lang po syang nakitang ganon kasaya, at nakakalungkot lang na hindi ako ang dahilan ng sayang iyon." Malungkot talagang aniya. Bumuntong hininga ako saka humiwalay sa kanya.

"Nagpaliwanag na ba sya? Narinig mo na ba ang side nya?" I asked instead.

"H-hindi pa  po.. pero-----"

"Shhhh... Let him explain first before you complain okay?" Suhesyon ko.

"Okay po." Tumango sya saka na hinarap ang pagkaing dala ko.

"Momma pwede po bang bumalik tayo sa HQ mamaya? Ayoko po munang pumasok sa work, gusto ko po munang mapag-isa sana. Kung pwede po ay gusto ko sanang ipagpatuloy yung hensayo ko." Nagugulat na napalingon ako sa kanya pero hindi naman sya sakin nakatingin, sa pagkain. Tumango ako at nilabas ang phone ko, lumayo ako ng kaunti kay Precious saka nag dial

"Get all ready" utos ko sa kabilang linya saka bumalik sa tabi ni Precious.

"Are you done?"

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon