Chapter 18

2K 116 7
                                    


Precious Pov

Lumipas ang ang mga araw at linggo, Hindi ako kinakausap ni Ser.

'Sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lumalayo siya. Whueeee huhuhu.. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap.

kung kakausapin man niya ako ay sa tuwing magpapasa lang ako ng mga folders. Madalang pa 'yon sa buong isang  linggo.

'Tapos hindi manlang niya magawang ngumiti huhu.'

Sa loob din ng ilang linggong lumipas ay mas naging close kami ni Jeff. Lagi niya akong hinahatid sundo sa bahay papunta dito sa Scyneth building. Lagi rin kaming sabay kumain. Breakfast, lunch, at dinner. Pero sa nakalipas na linggong iyon ay hindi ko dama ang sarili ko. para akong wala sa sarili, naglalakad ng lutang. Lagi akong tahimik at wala sa mood. 

Sa madaling salita, nawala yung dating Precious na masigla.

Hindi ko alam kung yung nangyari ba nung nakaraang linggo ang dahilan kung bakit ako nag kakaganito o yung pagiging cold sa akin ni Ser? Both. Para kasing naninikip yung dibdib ko sa tuwing iiwasan niya ako. Parang pinipiga yung puso ko sa tuwing nakikita silang magkasama ni maam Izella.

Sa loob ng tatlong linggo ay walang ibang pinakikisamahan si Ser kundi si Maam Izella lang. Siya lang din ang kinakausap niya palagi. Bagay na kinatutuwa ni Valentina. (Si Izella daw)

'Sabi nila, everything happens for a reason. Pero anong dahilan ng kalungkutan ko?? bakit ito nangyayari sa akin? bakit kailangan maramdaman ko ang ganitong bagay? '

Araw-araw nasa isip ko si Ser. Iniisip kung bakit mas pinili kong lumayo sa taong gustong-gusto ko naman makasama. Bakit mas pinili kong itanggi kung ano yung tunay kong nararamdaman para sa kanya.

'Admit it or not. May nararamdaman na ako para kay Ser.'

Hindi naman ako in denial na tao. Alam ko naman kung may gusto na ba ako sa isang tao o wala.

At aaminin kong gusto ko rin si Ser. May gusto ako sa kanya. Pero mas pinili kong itago ýon para sa pang sarili kong kapakanan.

Selfish na kung selfish.

Wala naman na akong magagawa dahil nandiyan na. Nangyari na.

"Paki iwan nalang sa table ko lahat ng schedule  sa  meeting na need kog puntahan mamaya. " yun lang at saka na siya lumabas ng office. Ni hindi manlang niya ako sinulyapan or dinaanan manlang na mata niya.

Nasa Office ako ngayon. Kakatapos ko lang isulat yung mga pinagawa ni maam Izella.

Hindi na ako naka sagot dahil tuluyan na siyang nakalabas.

Napa buntong hininga ako saka tumitig sa mga papel na nasa harap ko.

'Ang hirap ng ganitong set up. Yung magkasama kayo sa iisang room pero parang may nakaharang sa pagitan nyo para di niyo makita yung isa't isa.  yung magkalapit lang kayo pero parang ang layo niyo parin sa isa't isa. Masakit lang sa dibdib..'

"Good job, Piece of trash. I can see na you're doing well. Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Ipag patuloy mo lang ‘yan dahil ayaw ko mag aksaya ng laway para kausapin si dad para lang mag tanggal ng walang kwentang empleyado." napaangat ako ng tingin nang magsalita si maam Izella. lumakad siya palapit sa table ko at doon naupo sa katabing silya.

"Ginagawa ko naman po talaga ng maayos ang trabaho ko, Maam. Dati pa. " sagot ko habang nagkukutinting ng kung ano-ano na naka patong sa table ko.

" Well. That's not what I mean. I'm pertaining  to between you and Aljon's closeness. Napansin ko kasi lately na hindi kayo nagkikibuan. May problema ba kayo?" tanong niya pa.  Naiinis ako sa totoo lang.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon