Chapter 40

1.5K 72 9
                                    

**Precious POV**

°°°°°MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN°°°°°

Yes two months na ang lumipas matapos ang insidenteng nangyari sakin.

Pero di na yun ulit nasundan.

Sa nakalipas na dalawang buwan naging busy ako sa mga bagay-bagay.

Bagay na kinaadikan ko.

Nandito ako ngayon sa Office ko dati dito sa Scyneth company, naka upo habang nag mumuni-muni. Whuaahhh!!! Ang boringg

Huhuhu mas bet ko pa yung mga ginagawa ko last past few months eh whueeee!! Ayoko ng walang ginagawa! Nakaka buryo!!

Wala akong ginagawa ngayon dahil lunch break na namin.

"Hey, Love. Let's go?" Nag-angat ako ng tingin kay Ser nang lumapit sya sakin at abutin ang kamay ko. Tumayo ako sa kinauupuan at umakap sa braso nya.

"Ser wala akong ganang kumain." Naka nguso kong sabi habang naglalambitin sa braso nya. Pumasok kami sa Private elevator nya saka bumaba sa ground floor. Nang makalabas kami ay muli syang naglakad.

"Pero kailangan mong kumain, babe. Kahit dessert lang alright?" Pinisil nya ang ilong ko saka ako inakbayan.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin yung tindahan nila Nanay. Yung pinagkainan naming tindahan dati ni Jeff.

"Oh Ineng, Anong sainyo?" Naka ngiting tanong ni nanay.

"May egg, bacon, at hotdog po ba kayo dyan, nay?" Tanong ni Aljon kay Nanay. Nagningning ang mata ko at parang bigla akong nagutom!

"Ay oo po Sir. Ilan po ba gusto nyo?"

"Give me atleast 3 dozen per each." Ani Ser. Ngumiti naman si nanay saka nanunuksong tumingin sakin.

'Luh baliw? Problema nitong si nanay?'

"Asawa mo ba yan sir?" Bigla ay tanong ni nanay. Para akong nabilaukan dahil sa narinig ko!

'Whuaahhh!! Ano ba yang si nanay, ang daldal! Asawa daw? E hindi pa nga kami kinakasal e. Eme 'tong matandang 'to. Hmp!'

"Haha nope. Soon to be." Natatawang sagot ni Ser.

Luh isa pang baliw tong tukmol na 'to, may pa soon soon to be soone to be pa syang nalalaman e hindi naman nag popropose sakin, hmp!'

"Haha advance congrats. Sige maiwan ko muna kayo at nang maipagluto ko kayo." Naka ngiting ani nanay saka na umalis.

"Ser, kilala mo si nanay?" Tanong ko kay ser habang inaalalayan nya akong makaupo sa upuang kahoy.

"Hmm. Dating janitress si nanay sa SC, nag retiro na sya kaya nag karindirya nalang sya." Sagot nya saka umayos ng upo. Tinukod nya ang dalawa nyang siko sa lamesa saka nag pangalumbaba.

'Ang gwapo ng Ser sheeettt! Giizzz! Namamnyak na naman ako! Whuaahhh!! Huhuhu makasalanan talaga ang utak ko!'

Pinagmasdan kopa si ser mula sa ulo nya hanggang sa mga labi nya! Yuummyy Sarap kagatin!

Mas bumaba pa ang paningin ko sa matipuno nyang dibdib hanggang sa gitnang bahagi ng kanyang katawan!! Whuaaaaahh

'What inches kaya yung kanya?? Huhuhu nakaka intriga!

"How many times do I have to tell you na saka mo na ako pagnasahan pag may lisensya kana?" Kamuntikan na kong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang bigla nalang syang magsalita at lingunin ako

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon