Chapter 7

2.3K 118 2
                                    

Precious POV

Pag-uwi ko ng bahay ay agad kong hiniga ang sarili ko sa kama. Wala ng kain-kain busit alas-dose na,. Tapos bukas kailangan ko pang pumasok ng 5:00 ng umaga. Tsk May pa not 4 not 6, exactly 5:00am pa siyang nalalaman kala mo naman siya ang mahihirapan bumyahe at gigising ng ganon kaaga tsk. Alam niya ba kung gaano kahirap mag komyut?! (Commute, daw.)

"Ate nag luto ako ng hotdog mo oh."

"I hotdog mong malaki!" napabalikwas ako ng bangon sa gulat dahil bigla nalang bumukas yung pinto at lumabas mula do'n si Loveniel na may dalang plato na may lamang hotdog.  Kaloka 'tong batang 'to bigla bigla nalang sumusulpot.

"Ano ba naman yan, Loveniel, nakakagulat ka naman. Ano pa ba kasing ginagawa mo dito?? kala ko ba isang gabi ka lang makikitulog? e bakit di kapa umuuwi sa inyo?" tanong ko saka tumayo at inabot ang hawak niyang plato ng hotdog. Hehehe Diko matiis eh. Peyburit ko kaya 'to.

"Eh kasi ate di pa po nauwi sina mama. Nag extend daw po sila ng One week, Bale One week po silang hindi uuwi at mananatili doon." nabulunan ako sa kinakain kong hotdog sa sinabi niya gulaayyyy!

"Oh e ano ngayon kung one-week sila do'n? ano naman kinalaman ko riyan?" kunwari pa ay tanong ko. Whuaaaa huhuhu don't tell me dito siya mamamalagi ng isang linggo??? huhuu I kennaaatttt!

"Edi dito rin po ako ng one week. Wala akong kasama e."

"No way." agad na sagot ko. Grh! hindi pwede! lagi akong puyat pag nandito 'tong batang 'to. grhhhh

"Okay. Kayo po bahala pag may nangyari sa‘kin masama kapag natulog akong mag-isa sa bahay." dagdag pa niya.

'Wow. Lakas din mangunsensya nitong batang 'to ah, wala pa nga may naisip na agad siyang posibleng mangyari kapag mag-isa siyang natulog sa bahay nila. E kung sunugin  ko bahay nila para talagang masabi niyang may nagyari. Tsk sutil na bata.'

"Aba naman Teka. Teka.. Ano naman kinalaman ko riyan  pag may nangyari sayong masama e hindi naman kita kasama ah. Saka hindi naman ako ang nag pabaya sayo--- mga magulang mo. Kaya sila ang dapat sisihin, hindi ako. " prangkang sabi ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya. Aba! konsensyahin daw ba ako?

"Kaya nga po. E ikaw po kasama ko bago ako umuwi ng bahay e, saka sayo po ako nakitulog ng isang beses. Kaya dawit kana rin po. Kinupkop nyo ko without hesitation so you have to be with me the whole week without no choice po. " sagot nya saka naupo sa tabi ko which is her place nang makitulog sya dito kagabi.

'Aba mautak din 'tong batang 'to binigyan ako ng responsibilidad.'

"Oh sya, Nandyan na rin naman na e, ano pa bang magagawa ko?? Oh kumain ka rin para may laman yang tiyan mo bago matulog." inabot ko sa kanya yung hotdog.

Minsan diko maiwasan mapaisip, Wala naman akong isip? Charrat.

Minsan naiisip ko na bakit kaya may mga taong sinasayang nila kung anong meron sila sa buhay? gaya nalang nitong batang ito. Mayaman, halos nasa kanya na ang lahat maliban lang sa isa.

 Bagay na ipinagkait sa akin ng panginoon mula pa no'ng sinilang ako.

PAMILYA.

Mayaman nga siya pero hindi naman masaya.. Bakit?? dahil palaging wala ang mga parents niya. Halos sakin na nga ito lumaki.  Madalas ganyan ang ginagawa ng mga magulang niya, iiwan siya at sakin pupunta. Noong unang beses na nakitulog sakin itong si Love ay basang-basa siya ng ulan, kaya naawa ako at pina tuloy siya. She was only 8-year-old at that time. Sabi niya sakin umalis daw ang parents niya. Pumayag ako na maki tulog siya sakin then after non akala ko uuwi na sa kanila pero hindi pa pala. Her parents came back after 1 Month. Yes! ONE MONTH silang hindi umuwi. Pagbalik nila binibigyan nila ako ng 50 thousand for taking care of their daughter kuno??  Hindi ko tinanggap.  What they think of me? gold digger?? inalagaan ko si Love because I care for her. Hindi para humakot ng pera sa pamilya niya grhhh

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now