Chapter 21

2.1K 127 16
                                    

Precious POV

Umiiyak parin ako paglabas ko ng office.  Sumandal ako sa pinto at doon inayos ang sarili.

Nang makitang ayos na ko ay saka ako nagtuloy sa elevator.

"Where are you going, piece of trash? " mataray na tanong sakin ni maam Izella.

Kalalabas nya lang ng elevator.

"Ahm uuwi lang po sandali Maam, Izella.  May inuutos po kasi sakin." pagsisinungaling ko.

'Wala ako sa mood makipagtalo kay higad ngayon.'

"Is Aljon inside the office?" maayos na tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot saka na umalis.

Sumakay ako ng elevator.

Habang pababa ang elevator ay dumadami din ang sumasakay. Hanggang sa magsik-sikan na.

"Arayy.." daing ko nang hindi sinasadya ay naapakan ako nang nasa harap ko.

"Hey! people.  Dahan dahan nga kayo, can't you see?? may tao dito sa likod." napalingon lahat ng sakay ng elevator sa likod. Doon kasi nanggaling yung boses na sumigaw.

"Sorry po madam Alta." hinging paumanhin nang mga empleyado.

"Are you okay, Miss?" napalingon ako sa likod ko nang may humawak sa balikat ko.

Isang magandang babae na may edad na ang bumungad sakin.

'Hala! ang ganda nya! hitsura palang mukha ng mayaman.'

Naka white dress sya tapos may gold necklace sya sa leeg. Malaki yung kwintas nya diko alam kung anong tawag don, tapos may bracelet din na silver.

Mayaman nga.

"Ah, ayos lang po ako hehehe. Kayo po? ayos lang po ba kayo dyan? baka po naiinitan na po kayo. Hehe" nahihiya kong sabi.

Ngumiti sya sakin saka tumango.

"Are you okay? why are you blushing?" tanong nya na sinipat pa yung magkabila kong pisngi.

Whuaahh hindi pa pala nawawala yung pamumula ng pisngi ko galing sa sampal sakin ni maam Izella huhuh..

"Ah. Ganto po talaga ako pag naiinitan, Namumula hehehe." palusot ko. Gizzz ang bait nya sakin and yet what I'm doing now?? nagsisinungaling ako sa kanya.

Napapitlag ako nang haplusin nya yung mukha ko Pinagmasdan nya ako, at ani mo'y may naaalala.

Malungkot ang kanyang mga mata.

'May pinagdadaanan kaya sya?? kawawa naman.'

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ko saka hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.

"Ah. Y-yeah. S-sorry. may naalala lang ako." aniya saka ngumiti. Ngumuti din ako saka na humarap sa pinto ng elevator. Napapa isip tuloy ako kung bakit sya biglang nalungkot?

'Precious, you're being chismosa na naman.'

Hehe sorry na brain, curious  lang ako hihi.

*TING!*

Bumukas yung elevator dahil nasa ground floor na kami.

"Ahm  sige po, Ma'am mauna na ho ako. " nilingon ko yung ginang saka nagpaalam at ngumiti. Nginitian nya din ako saka tumango kaya tinalikuran kona sya at lumabas na ng elevator.

~*~

Nang marating ko ang bahay ko ay agad akong naupo sa sofa. Napasabunot ako sa ulo ko at napayuko.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon